Kylie

Kylie: ‘Dream come true’ ang best actress award sa Dubai

November 6, 2022 Ian F. Fariñas 284 views

DREAM come true” para sa beauty queen-turned-actress na si Kylie Versoza ang pagkapanalo ng best actress award mula sa Distinctive International Arab Festivals Awards 2022 (DIAFA 2022) para sa Viva Films movie na The Housemaid.

Matapos ang awarding ceremonies na ginanap sa Dubai Creek Harbour Marina, United Arab Emirates nu’ng November 4, nag-upload si Kylie ng maikling video sa socmed at sinabing, “Dream come true. Thank you Dubai @diafaofficial. Best Actress Philippines, The Housemaid. Such an honor to represent you again PH.”

Sa kanyang acceptance speech, sinabi ng beauty queen-actress na naulit ang sayang naramdaman niya nang maiuwi ang koronang Miss International para sa ’Pinas.

“Today, I feel like winning another crown, and this time for best actress. Nothing ever beats the feeling of winning something for your own country because of your own hard work. I would like to dedicate this award to all Filipinos out there,” dagdag ni Kylie.

Ginampanan ni Kylie sa The Housemaid ang papel ni Daisy, isang yaya na nainlab sa ama ng kanyang alaga.

Sa ilalim ng direksyon ni Roman Perez Jr., Pinoy adaptation ito ng isang sikat na Korean movie at ni-release ng Viva via streaming sa Vivamax nu’ng nakaraang taon.

Nakasama ni Kylie sa cast sina Albert Martinez, Jaclyn Jose, Alma Moreno, Louise delos Reyes at Elia Ilano.

AUTHOR PROFILE