Maine

Maine, walang ambag sa negosyo ng mga magulang

November 6, 2022 Vinia Vivar 293 views

Nilinaw ni Maine Mendoza na ang mga negosyo ng pamilya niya ngayon tulad ng gasolinahan at McDonald’s franchise ay galing sa pera ng kanyang mga magulang at hindi sa kanya.

“I just wanna set the record straight,” aniya sa panayam ni Ogie Diaz, “kasi ‘yung iba, iniisip din na ‘yung mga business namin ngayon, fruits of my labor.

“Actually, ‘yung gasoline station, nandiyan na po ‘yan even before I entered in the industry. And ‘yung McDonald’s franchise po, wala po akong ambag do’n. So, pera po ‘yun ng parents ko.”

Ngayon lang daw niya ito nasabi for the sake na rin ng fans na nagsasabing dahil sa kanila kaya siya nakapagpundar ng neyosyo.

“’Yung ibang mga supporter who they turned their back against me is parang iniisip nila na ‘kung ‘di naman sa ‘min, wala naman kayong ganito, ganyan.’ So ngayon ko lang din nasabi, Mama Ogs,” aniya.

Lima silang magkakapatid at lahat daw ng McDonalds franchise ay isa-isang nakapangalan sa kanila. And again, pera raw lahat ng magulang niya ang ginamit dito at wala silang ambag dito.

“Parang ayaw nilang gamitin ‘yung money that we earned, so fruits of their labor po ‘yun, ng parents ko,” she said.

Ang perang kinikita raw niya ay hindi ginagalaw ng parents niya at savings niya ‘yun for her future.

AUTHOR PROFILE