Robi

Proposal ni Robi sa GF ginawa sa Shibuya Crossing

November 6, 2022 Aster Amoyo 443 views

NASAKSIHAN ng magkasintang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Zanjoe Marudo at Ria Atayde, Joshua Garcia and Maiqui Pineda’s family ang surprise proposal ng ex-PBB housemate-turned Kapamilya TV host na si Robi Domingo sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Maiqui Pineda a few days ago sa kilalang Shibuya Crossing in Tokyo, Japan kung saan nagpalipas ng Halloween ang barkada.

It was ultimate heartthrob Piolo Pascual who played `Cupid’ kina Robin at Maiqui tulad ng kanyang ginawa sa mag-asawang Alex Gonzaga and Mikee Morada.

Samantala, Robi was in long relationship before with former volleyball player-turned TV host na si Gretchen Ho. Tumagal din ang relasyon ng dalawa ng halos limang taon .

Nadia

Nadia lola na

GOLDEN girl actress, entrepreneur and YouTuber Nadia Montenegro is a first time grandmother sa kanyang second daughter, ang actress na si Ynna Asistio sa non-showbiz husband nitong si Waldolf `Bully’ Carbonell.

Ynna gave birth to her first baby na si Ava Zafina last October 26, 2022 at 3:03 a.m. via normal delivery.

Her Instagram post:

“Hello world! I’m finally here! Few weeks ago, I got confined due to pre-term labor and was on strict bed rest for almost 2 weeks, then on October 25 my bag raptured and I was in labor for 15 hours!

“Ngayon ko lang naiintindihan yung sinasabi nila na grabe ang experience of giving birth…life changing and it made me realize how amazing it is to be a mother. All the pains and contractions and IE was all worth it!

“First time I saw you baby, nawala lahat ng pain. You came so early perfo ang perfect ng timing mo!.

“Thank you everyone for your prayers.”

Ynna was already six months pregnant with her and Bully’s baby when the couple got married on August 8, 2022, 4 p.m. at the Muntinlupa City Hall followed by a Christian ceremony held at the Ballroom of Vivere Hotel and Resorts in Alabang, Muntinpula. This was officiated by Bishop Manny Santiago of Lifesaver Church.

Edu

Edu at Cherrie Pie wala pa sa plano ang pagpapakasal

NUNG first time na nakapanayam namin ang actor-host, entrepreneur at dating politician na si Edu Manzano sa aming online talk show na “TicTALK with Aster Amoyo” ay sinabi nito na hindi na umano siya papasok sa isang relasyon at magpo-focus na lamang sa kanyang mga anak na sina Luis, Addie at Enzo. Sa tatlo, pareho nang may asawa sina Luis at Enzo.

Since may kani-kanyang pamilya na sina Luis at Addie (na nasa New York) habang ang bunsong si Enzo ay nasa Big Apple (New York) din, walang ibang kasama noon ang actor na namumuhay kasama ang kanyang mga alagang aso at ilang kasambahay. Pero naiba ang lahat ngayon dahil Edu is happily in a relationship with actress Cherry Pie Picache.

Although mahigit isang taon na rin ang relasyon ng dalawa, mukhang wala pa sa kanilang immediate plans ang pagpapakasal.

Samantala, mapapanood si Edu sa upcoming Metro Manila Film Festival movie na “Mamasapano: Now It Can Be Told”na dinirek ni Lester Dimaranan under Borracho Film Productions ni Atty. FerdieTopacio kung saan tampok din sina Paolo Gumabao, AljurAbrenica, Allan Paule, Rey `PJ’ Abellena, Gerald Santos, Ritz Azul, Myrtle Sarroza, Rez Cortez, Juan Rodrigo, JojoAbellana, JojoAlejar, Jervic Cajarop, Claudine Barretto at marami pang iba.

Espana

‘The Rain in Espana’ magiging series na

ANG upcoming movie series na Wattpad adaptation mula sa librong sinulat ng young and successful book author na si Gwy Saludes (with a 550 million combined reads) na pinamagatang “The Rain in Espana,” isang phenomenal university series, ay tinatampukan ng ilang young actors sa pangunguna nina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Bea Binene, Gab Lagman, Andre Yllana, Francis Magundayao, Frost Sandoval, Aubrey Caraan, Nicolle Omillo at KrisshaViaje na pamamahalaan ni Theodore Boborol under Viva Films.

Ang “The Rain in Espana” is a series of many firsts.

First time ng celebrity couple na sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza na ma-involve sa isang project with Viva Films.

For the first time, Chynna acts as the creative producer ng “The Rain In Espana” habang si Kean naman ang musical director ng 10-part series bukod sa alaga rin nila ang writer na si Gwy Saludes.

Ayon kay Chynna, this is the first time that she will be collaborating with Viva. First movie project din ito ni Heaven sa bakuran ng Viva at first team-up nila ni Marco Gallo na kasama niya at na-link pa sa kanya sa reality show na Pinoy Big Brother six years ago. First directorial job din ito ni Direk Ted Boborol sa Viva.

Kung matatandaan pa, ang career nina James Reid, Nadine Lustre at Yassi Pressman ay nagmula rin sa Wattpad material na “Diary ng Panget” na naging instant hit. The movie adaptation launched the respective careers of the three young talents then.

For the first time, isang grand story conference ang ginanap sa Le Reve Events Place in Quezon City kamakailan lamang para sa “The Rain in Espana” na magiging pambungad na offering ng Viva Films sa 2023.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@aster_amoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE