Default Thumbnail

Naaagnas na bangkay ng babae, lalaki natagpuan

March 5, 2024 Zaida I. Delos Reyes 57 views

NAKABALOT ng duct tape sa mukha at naaagnas na nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki at babae sa masukal na lugar sa Barangay Cudal, Tabuk City, Kalinga.

Sinabi ni Tabuk City, Information Officer Aurora Amilig, na ang mga bangkay ay tinatayang nasa 50-anyos pataas.

Buo pa aniya ang katawan ng mga biktima subalit mahirap na silang makilala dahil naagnas na at hindi narin makuhanan ng finger prints.

Sa inisyal na ulat, may taas na 5-feet hanggang 5’3 ang taas ng mga biktima kung saan ang babae ay mayroong bakas ng operasyon sa dibdib o operation scar na aniya’y posibleng mula sa pagkakaroon nito ng breast cancer.

Mayroon ding singsing na nakuha sa babaeng biktima na may tatak na apostolada.

Hinala ng mga awtoridad, planado ang pagpatay at paglibing sa dalawa dahil nasukat ang lugar kung saan sila inilibing.

Sa ngayon wala pang resulta ang ginawang otopsiya sa mga biktima kaya’t panawagan ng pamahalaang lungsod sa mga residente na nawawalan ng kaanak na kung maari ay magtungo na lamang sa punerarya malapit sa city hall upang kilalanin ang mga nahukay na bangkay.