Kylie Padilla

Mystery guy ni Kylie, pinangalanan na

January 26, 2024 Vinia Vivar 101 views

Nagkaroon na ng linaw kung sino ‘yung mystery guy sa isang viral video na kasama ni Kylie Padilla sa isang mall kamakailan lang.

Matatandaan na isang TikTok user ang nag-upload ng video ni Kylie habang namimilli sa isang store ng mall kasama ang isang guy na matangkad, long hair ay may mga tattoo sa katawan.

Nag-viral agad ang video at ang tanong nga ng lahat ay kung ito ba ang bagong boyfriend ni Kylie. Ang latest nga, sinagot na ni Kylie kung sino ang mystery guy sa kanyang buhay.

Mapapanood ang paliwanag ni Kylie sa latest TikTok post ng celebrity fitness coach na si Francis Simon.

“Meron akong itatanong. Nagkakagulo ang lahat; nagtatalo sila eh,” sabi ni Coach Francis kay Kylie.

“Sino ba ‘yung kasama mo sa mall, ‘yung nakaputi?” diretsong tanong ni Francis.

“Ay ‘yun ba?” natatawang sabi ng aktres.

“Oo, ‘yung nakaputi, ‘yung long hair?” sambit ulit ni Coach.

Diretso rin ang sagot ni Kylie. “’Yon? ‘Yung nagpapasaya sa puso ko. ‘Yun ‘yon,” aniya.

Nagkabiruan ang dalawa na kilala ni Francis ang guy at sambit pa ni aktres sa coach, “parang kamukha mo nga, kuya, eh.”

Sa pag-iimbestiga ng netizen, it turned out na kapatid ni Francis ang special guy na ito sa buhay ni Kylie. Isa siyang tattoo artist na nangangalang Jinno John Simon.

Last year pa napapabalitang may bago nang karelasyon si Kylie pero hindi pa niya ito isinasapubliko.

Positibo naman ang reaksyon ng netizens sa guy at sey nila, deserve ni Kylie ang maging happy lalo na’t matagal na itong hiwalay sa mister na si Aljur Abrenica.

Magugunitang naghiwalay sina Aljur at Kylie noong 2021. May dalawa silang anak, sina Alas at Axl.

AUTHOR PROFILE