Dennis

Dennis at Jennylyn hypoallergenic ang bagong fur baby

January 26, 2024 Vinia Vivar 140 views

Sinimulan ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang taon with an additional family member.

May bago silang furbaby na isang Z Giant poodle Mini na si Provence.

Sa video na ipinost ni Dennis sa Instagram, mapapanood ang pagpunta nila sa pet store para bumili ng aalagaang doggie. Kasama pa nilang bumili ang anak nila na si Dylan.

“Sobrang happy namin,” sey ni Jen sa video habang yakap-yakap ang kanilang bagong fur baby.

Aniya ay matagal na silang naghahanap ng pet para sa panganay niyang anak na si Jazz at sa bunso na ring si Dylan.

“Excited din kami kasi matagal na kaming naghahanap ng pet for Jazz and for Dylan,” dagdag pa niya.

Sabi naman ni Dennis, “Nag-research muna kami talaga, eh, bago namin piliin kung ano ‘yung bagay na aso sa amin.”

Inayunan naman ito ni Jen dahil si Jazz ay may mga allergy din pagdating sa balahibo ng pets kaya naghanap sila talaga ng dogs na hypoallergenic.

“Oo, kasi si Kuya Jazz, grabe ‘yung allergies niya. Kasi marami kaming cats so hindi niya masyadong nae-enjoy though gustung-gusto niya talagang yakapin, gusto niyang laruin. pero ‘yun nga, marami siyang mga pantal, inuubo, sinisipon so hindi talaga pwede.

“Nag-research kami ng mga dogs na hypoallergenic na pwedeng-pwede kay Jazz,” paliwanag ng Kapuso Ultimate Star.

Makikita ngang tuwang-tuwa ang mag-asawa sa bago nilang super-cute doggie na mukha ngang emoji.

“Sobrang bait niya, sobrang friendly,” sabi pa ni Dennis sa bago nilang pet.

“Very calm,” dagdag naman ni Jen.

AUTHOR PROFILE