Echo

Echo, iflinex ang bagong achievement ni Kim sa socmed

January 26, 2024 Vinia Vivar 114 views

Sa gitna ng balitang hiwalayan sa pagitan ng mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones, iflinex ni Echo ang asawa sa kanyang Instagram Story at binati sa latest achievement nito.

Ni-reshare ng aktor ang larawang ipinost ni Kim na kuha mula sa BTS o behind-the scenes ng kanyang photoshoot para sa isang glossy magazine.

Caption ni Echo, “grats, Kimboley!”

Nag-comment din ang aktor sa latest post ni Kim tungkol sa pagge-guest niya sa nasabing magazine.

Caption ni Kim, “self-portraits BTS for @megamagazine’s epic 32 years celebration! Thank you for having me as your ‘creative visionary’ you have been there since the beginning and I am always so grateful to work with you! Thank you always.”

Sa comment section ay makikita ang komento ni Echo na “BTS game is on fayah.”

Sumagot naman si Kim sa asawa ng “the little cam that could” at “the kim kam.”

May netizen naman na nagtanong ng “is Jericho still your husband?” at hindi na ito sinagot ni Kim.

Matatandaang napa-blind item sa vlog ni Ogie Diaz na matagal nang hiwalay ang aktor at misis nito’t kasalukuyang prinoproseso na ang annulment pero nananatili umanong mabuting magkaibigan ang dalawa.

Marami ang humula na sina Echo at Kim ang blind item dahil sa mga clue.

Sa isang panayam kay Echo recently ay tumanggi siyang magbigay ng pahayag tungkol sa issue although sinabi niya na okay sila ni Kim.

AUTHOR PROFILE