Default Thumbnail

MWPs sa homicide, theft nasakote sa Binondo

March 12, 2022 Jonjon Reyes 295 views

ORAS lamang ang pagitan nang kapwa inaresto sa bisa ng arrest warrant ang isang 34-anyos na delivery rider dahil sa kasong “frustrated homicide” at isang 42-anyos na vendor dahil naman sa kasong “theft” sa magkahiwalay na lugar sa Binondo, Maynila araw ng Biyernes.

Unang naaresto bandang alas-11:30 ng tanghali ang isang Nenita Bantay, dalaga, ng Juan Luna Street, Binondo.

Si Bantay ay nasa top 7 most wanted person (MWP) na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Carissa Ann Manook-Frondozo ng Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 7 Manila.

Bandang alas-2:15 ng hapon naaresto naman ang isang nasa top 2 most wanted na nakilalang si Reggie Dela Cruz alias “Bornok”, binata, residente ng Valderama St., Binondo.

Dahil na rin sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Thelma Bunyi-Medina ng Regional Trial Court Br. 32 Manila, binitbit si “Bornok” sa panulukan ng Lavezares at Valderama Sts., sa Binondo.

Ayon kay P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., commander ng Manila Police District (MPD)-Binondo Police Station 11, naaresto ang 2 sa pangunguna ni P/Lt. Roderick Tan at bahagi ng pinalakas na criminality campaign sa direktiba na rin ni MPD-Director P/Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE