Default Thumbnail

MWP trike driver kulong sa ‘murder’

May 4, 2023 Jonjon Reyes 453 views

ISANG 31-anyos na lalaki ang inaresto ng mga kapulisan ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District (MPD) dahil sa kasong murder at kabilang sa listahan ng “most wanted person” sa district level sa bisa ng arrest warrant sa Zaragosa Street, Tondo, Maynila, Huwebes ng tanghali.

Ayon kay “The Game Changer General” Manila Police District Director P/BGen. Andre P. Dizon ang suspek ay isang tricycle driver at residente ng Tondo.

Sa ulat ni P/Capt. Rufino Casagan, hepe ng MPD-DPIOU, bandang 11:00 ng umaga, Mayo 4, nang isilbi ang arrest warrant sa suspek sa nasabing lugar.

Ayon kay Pat. John Joey Eugenio, bitbit ang arrest warrant ng suspek katuwang sina Casagan, P/Capt. Veronica Apresurado, team leader ng grupo sa direktiba ni P/Col. Samuel Pabonita, hepe ng District Investigation Division (DID) ng MPD.

Ang mandamiento de aresto ay ibinaba ng Regional Trial Court Branch 52 ng Maynila na may petsang Nob. 17, 2021 sa naturang kaso at walang inirekomendang piyansa.

AUTHOR PROFILE