Default Thumbnail

MWP na may kasong rape arestado sa QC

April 2, 2023 Melnie Ragasa-limena 290 views

NAARESTO Sabado ng hapon ng mga operatiba ng Anonas Police Station (PS 9) ang No. 1 Station Level Most Wanted Person na may kasong rape.

Kinilala ni PS 9 Station Commander PLTCOL Reynaldo Vitto ang suspek na si Gino Reyes Sitar, 30, residente ng Brgy.
Pansol, Quezon City.

Ang suspek ay may pending warrant of arrest sa kasong rape na nilabas ni Judge Mohammad Aquil A. Tamano, ng Branch 77, Regional Trial Court (RTC), San Mateo Rizal.