Hermosa USAPANG NEGOSYO–Nakipagpulong kay Mayor Jopet Inton (gitna) ng Hermosa, Bataan sina Berthapil Inc. CEO Peter Herman at Chairman Michael Herman. Kuha ni Christian Supnad

Multinational firm magi-invest sa Hermosa

March 5, 2024 Christian D. Supnad 48 views

HERMOSA, Bataan–Nakatakdang mag-invest ang Berthapil Inc., isang multinational real estate at industriyal company, sa bayang ito, ayon ky Mayor Jopet Inton.

Ayon sa mayor, nakipagpulong na sina Berthapil Inc. CEO Peter Herman at Chairman of Berthapil na si Michael Herman sa kanila. Kasama rin sa pulong si Subic Bay Metropolitan Authority Chairman Eduardo Aliño.

Ipinakita rin ni Mayor Inton sa company executives ang mga proyekto sa Hermosa. Isa ang Berthapil sa mga nangungunang investor sa Clark Freeport Zone. Mayroon itong 12 real estate development sa Clark.

“Sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan, labis na natuwa ang mga investors sa mabilis na pag asenso ng ating komunidad.

Nilahad dito ang ilan sa mga posibleng imprastraktura at mga proyekto na maaaring itayo sa Hermosa,” ani Inton.

Idinagdag pa ng mayor na ito rin ay magsisilbing destinasyon para sa pagpapalago ng mga negosyo.