Default Thumbnail

MTPB enforcer nabundol ng van, dedo

October 11, 2022 Jonjon Reyes 313 views

PATAY ang isang 40-anyos na miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) makaraang masagi ng isang aluminum van at sumemplang sa sementadong kalsada lulan ng kanyang motorsiklo sa kahabaan Osmeña Highway sa harap ng isang gasolinahan sa Malate, Maynila, Lunes ng tanghali.

Kinilala ni Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit ang biktimang si Rommel Delos Santos, ng Dapitan St., Sampaloc, Maynila.

Kusang loob namang sumuko sa pulisya ang driver ng aluminum van.

Base sa ulat ni P/Cpl. Allanion Aquino, may hawak ng kaso, pasado alas 9:30 ng umaga nang maaksidenteng masagi ang biktima lulan ng motorsiklo ng isang aluminum van sa southbound lane ng Osmeña Highway, malapit sa isang gasolinahan, at agad na nawalan ng malay ang biktima.

Ayon sa ilang saksi sa insidente, magkasabay umanong binabaybay ng dalawa ang nasabing lugar nang masagi ng likurang bahagi ng Van ang unahan ng mototsiklo.

Dahil dito, isinugod pa sa Ospital ng Maynila ang biktima subalit dakong 11:24 ng tanghali nang ideklara itong patay ng attending physician.

Gayunman, ang van driver ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property.

AUTHOR PROFILE