MPD Nagpasalamat si Nelson Guevarra, PGFlex CEO at chairman ng Advisory Group ng MPD Station 11 ang mga naging proyekto isinakatuparan niya para sa nasabing istasyon kasama sina Bgy. Chairman Jeff Lau, Henry Gaw Callano, P/Maj. Victor De Leon, P/Lt. Florante Raquiño sa pagpupulong sa FFCCCII, Muelle de Binondo, Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

MPD Stn. 11, Advisory Group tuloy ang serbisyo sa Binondo

November 26, 2022 Jonjon Reyes 416 views

NAGSAGAWA ng pagpupulong ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) Station 11 at Station Advisory Group (SAG) kaugnay sa mga naging proyekto at patuloy na pagbibigay serbisyo sa Binondo, Lungsod ng Maynila Biyernes, Nobyembre 25, 2022.

Pinangunahan ni P/Lt. Col. Rexson Layug, commander ng MPD Stn. 11 ng Meisic Binondo Police Station, at Nelson Guevarra, PGFlex CEO at chairman ng Station Advisory Group ng nasabing himpilan, ang dialogo kaugnay sa kanilang mga naging proyekto sa loob lamang ng tatlong buwan sa Binondo area.

Sa unang ulat si Layug sa mga naging accomplishment ng mga kapulisan at pagbaba ng mga crime incident sa Binondo, tulad ng nakawan/akyat-bahay, holdapan, sugal, ilegal na droga, rape at iba pa.

Patuloy aniya ang pagsasagawa ng “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations” (SACLEO) sa kabuuan ng Binondo kabilang ang Divisoria.

Katuwang ng mga kapulisan ang mga Auxiliary NGOs (non-governmental organizations) at mga barangay officials sa pamumuno naman ni Jefferson Lau, kung kaya’t patuloy silang nakakahuli ng mga “most wanted person” (MWP) sa kanilang “area of responsibility.”

Kabilang din ang mga ipinagbabawal na paputok sa kahabaan ng Juan Luna Recto sa Binondo side dahil na rin sa direktiba ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga kapulisan kay Layug, De Leon, at Guevarra dahil sa walang sawa nitong pagtulong sa kapulisan bilang chairman ng SAG sa nasabing presinto.

Samantala, nagpasalamat din si Guevarra sa mga kapulisan dahil sa kanilang kasipagan at pagtupad sa kanilang mga tungkulin dahil ang mga kapulisan ay nagbabantay sa mga mamamayan sa Lungsod ng Maynila lalo na sa dis-oras ng gabi at nagpahayag na hindi siya manghihinayang na tumulong.

Dagdag pa niya, magsasagawa ang SAG katulong ang mga kapulisan ng MPD Stn. 11 ng isang Christmas gift-giving sa Binondo at mamimigay ng halos 250 na tig-limang kilong bigas sa mga Manilenyo bilang handog sa panahon ng Kapaskuhan.

AUTHOR PROFILE