MPD

MPD chief siniguro kaligtasan ng mga Manilenyo, pasahero

October 30, 2022 Jonjon Reyes 261 views

PINANGUNAHAN ni MPD Director Police Brig.Gen. Andre P. Dizon ang paglilibot sa mga pantalan at daungan sa North Harbor at mga bus terminal sa Maynila upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero na uuwi sa kanilang mga mahal sa buhay sa kanilang mga probinsya Biyernes ng Gabi.

Umaga ng Sabado (Oktubre 29) nang mag-ikot ang butihing heneral sa mga evacuation center mula sa Baseco Compound.Delpan sa Brgy. 20, Brgy. 105, Brgy. 101 at Brgy. 128 sa Tondo at sa Brgy 275. sa District 3 sa Sta Cruz.

Maging ang kahabaan ng seawall sa Roxas Blvd. at dolomite beach sa Ermita ay kanyang pinuntahan upang siguruhin na wala munang mamasyal dito dahil sa sama ng panahon na dulot ng Bagyon Paeng.

Muling pinuntahan ni Dizon ang mga paligid ng mga sementeryo matapos na pansamantala munang isara mula Oktubre 29 hangang Octubre 31 dahil sa Bagyong Paeng.

AUTHOR PROFILE