VAWC Binasahan ng mandameyento de aresto ang suspek matapos na matimbog ito ng mga operatiba ng District Intelligence Division ll Special Mayor’s Reaction Team ( DID- ll SMaRT)-MPD sa pamumuno ni Police Major Rommel Reyes Purisima. Kuha ni JON-JON C. REYES

Most wanted na kelot timbog sa VAWC Act

December 20, 2023 Jonjon Reyes 225 views

HINDI na nagawang makapanlaban ng isang 26-anyos na tricycle driver makaraang bitbitin ng mga operatiba ng District Intelligence Division ll Special Mayor’s Reaction Team ( DID- ll SMaRT) ng Manila Police District dahil sa pag-aabuso ng karapatang pantao nang silbihan ng arrest warrant sa Figoeras Street, Barangay 402, Sampaloc, Manila, Miyerkoles ng hapon, December 20.

Nakilala ang suspek sa pangalang “Mark Jhon”, binata, ng MF Jhocson Street, Sampaloc.

Ayon sa ulat ni Police Major Rommel Reyes Purisima,hepe ng DID- SMaRT, bandang 1:10 p.m. nang arestuhin ang binata sa naturang lugar.

Dahil sa anti- criminality campaign, nabatid sa rekord ng korte na ang suspek ay naitalang most wanted person.

Ang warrant of arrest laban sa suspek ay inisyu ni Judge Princess Ma Bajarias – Hermogeno, Family Court, Branch 6 ng Manila sa para sa paglabag sa Violence Against Women and Their Children Act.

AUTHOR PROFILE