Default Thumbnail

Minors pwedeng sumakay sa MRT-3 kung may kasamang adult

November 12, 2021 Jun I. Legaspi 326 views

PWEDENG ng sumakay ang mga minors 18 years old pababa basta may kasamang matanda o guardian sa mga tren ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) under Alert Level 2, ayon sa management.

Sa social media account ng agency inihayag ng management sa priority section ng tren ng MRT-3 uupo ang mga minors kasama ang kanilang mga guardian para na rin sa safety ng lahat.

Ikinagalak ng mga commuters ang anunsuyo ng management tungkol sa pagpayag na sumakay ang mga minors sa MRT-3 basta kasama ang kanilang guardian.

Samantala, tuloy-tuloy rin ang implementasyon ng 70% passenger capacity sa mga tren ng MRT-3, kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health and safety protocols sa buong linya.

Pinamamahalaan ng mga train at platform marshals ang pagpapatupad ng wastong kapasidad sa mg tren at pagtitiyak na nasusunod ang 7 Commandments laban sa COVID-19.

Ang 7 Commandments ay batay sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan, 1) Laging magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga pampublikong transportasyon; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19; at 7) Laging sundin ang panuntunan sa appropriate physical distancing.

Iniakyat ang kapasidad ng mga tren tungong 70% noong ika-4 ng Nobyembre 2021, na may katumbas na 276 na pasahero kada bagon o 827 pasahero kada train set. Ang isang train set ay binubuo ng tatlong bagon.

Ito ay bilang tugon sa pagtaas ng demand sa pampublikong transportasyon sa Metro Manila, na sa kasalukuyan ay nakamit na ang 81.4% vaccination rate.

AUTHOR PROFILE