Default Thumbnail

Militanteng grupo patungong Batasan, otoridad nagkagirian

May 25, 2022 Melnie Ragasa-limena 485 views

NAGKAGIRIAN ang mga awtoridad at militanteng grupo na nagsagawa ng kilos -protesta sa harap ng Commission on Human Rights (CHR) upang tutulan ang proklamasyon nina presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa Quezon City, nitong Miyerkules ng umaga.

Ito ay makaraang hindi payagan ng mga pulis na makalabas ng compound ang mga militanteng grupo para makapag- martsa patungong Batasan Complex.

Sa unang pagtatangka, nagkaroon ng tulakan sa panig ng mga pulis at raliyista kaya’t napilitan silang bombahin ng tubig ng mga bumbero.

Ayon kay Anonas Police Station 9 Chief Police Supt Richie Claraval, ground commander ng Quezon City Police District (QCPD), hindi nila papayagang makapunta sa Batasan complex ang grupo ng mga militante para doon magdaos ng rally.

Samantala, lahat ng mga sasakyan na dumadaan na papuntang bahagi ng Fairview ay isa-isang iniinspeksyon ng pulisya .

Ayon kay Supt Claraval, handa naman silang sagutin ang anumang reklamo na ihahain laban sa kanila.

Kabilang sa mga nag-rally ang Youth Group Student Christian Movement of the Philippines (SCMP). Ni MELNIE RAGASA-JIMENA