Miel

Miel, kabog sa pasabog ni Carla … Tom, missing in action

June 17, 2022 Jun Nardo 448 views

CarlaTom

NATABUNAN agad ang pag-amin ni Miel Pangilinan (anak nina Senator Kiko at Megastar Sharon Cuneta) na member ng LGBTQ+ sa pasabog ni Carla Abellana kahit na nga hindi ito detalyado.

Ang pahayag ni Carla na hinimok niyang magpatingin at magpagaling ang nakapukaw ng pansin ng publiko.

Pahiwatig niya sa statements niya, may sakit si Tom.

Tanong ng publiko – ano ang sakit ni Tom?

Sabi ni Carla, siya ay “disrespected, used, abused and bretrayed.”

Kaloka, ’di ba?

Mahiwaga. Mabigat at matapang ang mga pahayag.

Missing in action si Tom, kaya side lang ni Carla ang nalaman ng publiko.

Will Tom speak up, too?

Abang-abang, mga Marites, dahil mukhang mahaba pa ang tatakbuhin ng Carla-Tom real-life teleserye, huh!

COLLABORATION

SANIB-PUWERSA ang GMA Network at Wattpad sa TV adaptations ng hit web novels na LUV IS.

LUV IS: Caught in His Arms ang unang adaptation ng web series na pagbibidahan ng loveteam nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Kasama nila ang ibang Sparkada talents gaya nina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Micahel Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales at Tanya Ramos.

Samantala, ang Quantums Films ni Atty. Joji Alonso ay may collaboration din sa GMA ng isang series na ang mga bida ay sina Ysabel Ortega at Migeul Tanfelix.

AUTHOR PROFILE