Jodi

Europe vacation regalo ni Jodi sa sarili

June 17, 2022 Aster Amoyo 368 views

Jodi1Jodi2

MAGTATAPOS na sa ere sa June 24 (Friday) ang hit Philippine adaptation ng BBC TV series na “Doctor Foster” na may local title na “The Broken Marriage Vow.” Pangunahing bituin dito sina Jodi Santa Maria, Zanjoe Marudo, Zaijian Jaranilla at Sue Ramirez at magkatulong na pinamahalaan nina Connie Macatuno at Andoy Ranay.

Although nakagawa na ng maraming drama series in the past sina Jodi at Zanjoe, maituturing ng dalawa na ang“The Broken Marriage Vow” ang most challenging series na nagawa nila gayundin sina Zaijian at Sue.

Since tapos na ang taping ng mga natitira pang episodes, kasalukuyan nang nagi-enjoy si Jodi sa kanyang European trip kasama ang kanyang travel buddy, ang 16-year-old son (sa kanyang ex-husband na si Pampi Lacson) na si Thirdy (Panfilo S. Lacson III).

Ang naturang European trip ay magsislbi rin niyang birthday treat sa sarili. She turned 40 last June 16 and on her natal day, she and Thirdy visited St. Vitus Cathedral in Prague. Ito ang largest and most important temple sa nasabing lugar kung saan kinoronahan ang mga Czech Kings and Queens. Sa nasabi ring lugar nakalagak ang ilang patron saints, sovereigns, noblemen at archbishops.

Tulad ng kanyang inang si Mercedita who single-handedly raised her and her elder brother, mag-isa ring pinalaki ng actress ang kanyang anak na si Thirdy magmula nang magkahiwalay sila ng kanyang ex-husband na si Pampi in 2010.

Kung ang dating mister ni Jodi na si Pampi ay matagal nang may karelasyon, ang dating Kapuso actress na si Iwa Moto at meron na ring dalawang anak, si Jodi naman ay in a relationship ngayon with “FPJ’s Ang Probinsyano” actor na si Raymart Santiago. Prior to Raymart, matagal ding naging nobyo ni Jodi ang actor-politician na si Jolo Revilla na may asawa na ngayon, ang dating beauty queen na si Angelica Alita. Si Raymart naman ay matagal na ring hiwalay sa kanyang ex-wife, ang aktres na si Claudine Barretto kung kanino siya may dalawang anak, ang kanyang biological son na si Santino and adopted daughter na si Sabina.

Ang relasyon nina Jodi at Raymart ay nagsimula nung 2020.

Dongyan

Zia may kakaibang talent

PROUD parents ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang panganay na anak na si Zia (6) dahil as early at now ay nagpapakita na ito ng talent sa pagdu-drawing o pagpipinta.

Although kursunada rin ni Zia mag-showbiz tulad ng kanyang equally famous parents, papayagan lamang ito ng kanyang mga magulang kapag tinapos nito ang kanyang pag-aaral. Ito rin ang gustong mangyari nina Dingdong at Marian sa kanilang bunsong si Ziggy.

Ang magkapatid na Zia at Ziggy ay may kinikita na sa kanilang mga product endorsements at lahat ng kanilang pera ay diretso sa kanilang bank accounts

Gusto ng mag-asawang Dingdong at Marian na matuto ang kanilang mga anak na mag-impok ng kanilang pera as early as now.

Zia is turning 7 on November 23.

Wilma

Wilma happy sa husband at sa blended family

FIL-American model, actress, comedienne, host and entrepreneur Wilma Doesnt was closer to her late foster parents kesa sa kanyang biological parents dahil ang mga ito ang nag-alaga, nagpalaki at at trinato siyang tunay na anak.

Aminado si Wilma na bata pa siya ay nakakaranas na siya ng pambu-bully dahil sa kulay ng kanyang skin. Pero sa halip na lumaban o umiyak ay hinayaan na lamang niya ang mga ito dahil ito ang turo sa kanya ng kanyang foster father.

Lumaki umano siya na puno ng mga pangaral sa kanyang foster parents laluna sa kanyang foster father. Kaya nang mawala ang mga ito ay sobrang umano siyang naapektuhan.

Wilma was 23 nang makilala niya ang kanyang biological mother, pero sa kabila nito ay hindi umano siya nakaramdam ng pagkasabik dahil never naman umano itong naging ina sa kanya. She was in her 30’s naman nang makilala niya sa Amerika ang kanyang biological father na isang retired black American US marine.

Para sa model-actress-comedienne, tama na umano para sa kanya na buo na ang kanyang pagkatao dahil kilala na niya ang kanyang biological parents, pero hindi umano niya maibibigay sa mga ito ang pagmamahal tulad na kanyang ibinigay kanyang namayapang foster parents na siyang nag-aruga sa kanya at nagbigay ng pagmamahal ng isang magulang.

Naniniwala si Wilma sa destiny. Nandoon lamang daw siya sa kanilang simpleng bahay sa Cavite nang siya’y ma-discover sa pagmu-model na siya niyang naging pasaporte sa kanyang pagpasok sa showbiz.

By nature ay isang masayahing tao si Wilma at natural ang kanyang pagiging isang komedyana kaya tumatak din ito sa kanya. Isa rin siyang mahusay na host.

Her first two daughters na sina Asiana (19) at Svetlana (15) ay magkaiba ang ama pero sinabihan sila ni Wilma na dapat silang magturingang tunay na magkapatid. Habang ang kanyang bunso, na si Araion (9), her only boy ay anak niya sa kanyang mister na ngayon na si Gerick Parin after fifteen years in a relationship.

Ayon kay Wilma, ipinagbubuntis umano niya ang kanyang second child na si Svetlana nang makilala niya si Gerick. Kahit hindi ito ang ama ng kanyang pangalawang anak, ito ang nasa kanyang tabi hanggang sa kanyang panganganak at never na trinatong iba ang kanyang naunang mga anak.

On the eve of her birthday nung isang taon, July 9 ay nag-propose si Gerick kay Wilma habang ito’y naghu-host sa isang event in Tagaytay. The couple got married last March 24, 2022.

Ang husband ni Wilma ay may 23 year-old son na si Harvey sa dati nitong naka-relasyon. He was only 15 when he became a father. Now, they are a family of six at si Harvey ang tumatayong eldest among the children.

“Magkakapatid ang turingan nila sa isa’t isa. Walang half-brother or stepbrother sa kanila. Lahat sila magkakapatid,” paliwanag ni Wilma.

“We are a happy blended family,” pagmamalaki pa niya.

Since mahilig magluto si Gerick, nagtayo ang mag-asawa ng restaurant in Gen. Trias, Cavite, ang “Chicks ni Otit (for Tito)” na magkakatulong nilang pinamamahalaan. Although may ilan silang staff, tulung-tulong ang pamilya ni Wilma sa operation ng kanilang restaurant na kung papalarin ay balak nilang magtayo ng ibang branch in Cavite kung saan sila naka-base.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE