Default Thumbnail

Mga ‘Panginoon sa Padre Faura’

March 15, 2023 Allan L. Encarnacion 333 views

Allan EncarnacionMadalas kong binabasa ang mga desisyon Korte Suprema, lalo na sa mga kontrobersiyal na kaso.

Marami kang matutunan, magkakaroon ka ng malalim na pagmumuni-muni at malalaman mo ang iba’t ibang anggulo ng kaso kapag hinimay mo ang kanilang mga desisyon.

Sa totoo lang, ang Korte Suprema ay puwede talagang bansagang mga “Panginoon” sa Padre Faura dahil ganoon tayong mga mortal na nilalang, kapag wala kanang malapitan, kapag wala ka nang makapitan, aasa ka na lang sa Diyos para sa iyong kapalaran.

Itong pinakahuling desisyon ng division ng pinakamataas na hukuman sa bansa na nagdidismis sa kasong rape ng aktor na si Vhong Navarro ay minsan pang nagbigay sa atin ng bagong pag-asa.

Hindi pa lusaw ang ating hustisya, hindi totoo ang sinasabing naghahari ang mga kawan ng “hoodlum in robes” sa ating hudikatura.

Ang problema ng ating justice system ay nakaugat sa hindi parehas na paghatol sa mga hinahawakang kaso. Aminin na natin, hindi naman palaging totoo na nakapiring ang babaeng estatwang sumisimbolo ng parehas na hustisya. Kung minsan, namboboso rin yan para tingnan kung sino ang gusto niyang panigan.

Dito lamang sa kaso ni Vhong, ako mismo ay hindi naniniwalang nagkaroon ng rape nang una pumutok ang kaso dahil nga sa paiba-iba ang pahayag ng nagrereklamo. Nagsulat ako ng kolum noong 2014 tungkol dito para pagdudahan ang mga pahayag ng nagrereklamo.

“Indeed, no amount of skillful or artful deportment, manner of speaking, or portrayal in a subsequent court proceeding could supplant Cornejo’s manifestly inconsistent and highly deficient, doubtful, and unclear accounts of her supposed harrowing experience in the hands of Navarro,” bahagi ito ng 43-page na desisyon ng Suprema Court.

Ang problema talaga sa kasong rape, palaging ang nasa receiving end ay ang lalaki na inirereklamo. Palagi naroon ang mas mabigat na timbang sa pahayag ng biktima. At ang mismong lipunan, palaging nakapanig at naniniwala sa sinasabi ng nagpapakilalang biktima kaya nawawalan ng timbang ang depensa ng inirereklamo.

Kung ikaw ang inirereklamo, paano mo idedepensa ang iyong sarili kapag lumabas na ang nagrereklamo na umiiyak? Wala kayong testigo rito, dalawa lang kayo kayo. Salita ng biktima laban sa salita ng inirereklamo.

Kapag nagsalita na ang biktima, lahat ng nasa paligid gustong kumuha ng bato at isa-isang batuhin ang inirereklamo. Kaya nga kadalasan, iyong public opinion ay nakapagbibigay ng impluwensiya sa anumang magiging desisyon ng ibang hukuman na hindi dapat nangyayari.

Dahil sa “pagkauhaw sa dugo” ng nakamasid na “headless mob”, iyong pobreng inirereklamo ay makukulong nang mahabang panahon habang dinidinig ang kanyang kaso.

Kaya nga doon papasok ang Court of Appeals at aasa kang malilinawan ang kaso kapag isinailalim sa mabusising pagrerebisa.

“Here, the prosecutor had reasons to doubt the veracity of Cornejo’s accusations, as the glaring and manifest inconsistencies pointed out in her complaints are readily discernible by common sense without need of rigorous examination or an expertise of a trial court judge for such purpose,” the SC said through Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting.

Medyo mabigat ang paragraph na ito, parang sinasabi ni Justice Inting na hindi mo na kailangang maging rocket scientist para malaman na maraming pabago-bago sa pahayag ng nagrereklamo.

Sabi pa niya, sintido-kumon lang ang gamitin mo, alam mo na agad!

“Justice and fair play dictate that Cornejo should not be permitted to materially change her theory in her two previous complaints in a deliberate attempt to address or rectify the weaknesses of her theories, as pointed out by the prosecutor in the dismissal thereof, or worse, supplant or add new material allegations,” sabi pa desisyon.

Mabuhay ang ating Korte Suprema, salamat sa pagbabantay at pagbabalanse sa sistema ng ating hustisya!

[email protected]