Catriona

Mga pagbabago sa Miss Universe, Catriona may papel

January 7, 2023 Aster Amoyo 420 views

Catriona1Catriona2

HINDI na ang American TV host, actor-comedian, producer and businessman na si Steve Harvey ang maghu-host sa ika-71 edition ng Miss Universe nagaganapin sa New Orleans Ernest N. Morial Convention Center in New Orleans, Louisiana, USA kundi ang American TV host and stylist na si Jeannie Mai Jenkins at ang 2012 Miss Universe na si Olivia Culpo of USA habang ang American entertainment reporter and 2018 Miss Universe and our very own Catriona Gray will be the backstage commentator hosts.

Ang Filipino-Italian beauty na si Celeste Cortesi (25)ang kinatawan ng Pilipinas in this year’s Miss Universe competition at umaasa ang kanyang mga kababayan na siya ang susunod na kokoronahang Miss Universe.

Except for the first two Filipina Miss Universe na sina Gloria Diaz (1969) at Margie Moran (1973), ang pangatlo at pang-apat na Filipina Miss Universe na sina Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018) ay parehong may lahing banyaga. For Pia, German ang kanyang namayapang ama at Filipina naman ang kanyang ina. Si Catriona naman ay Filipina ang ina at Australian naman ang kanyang ama. Pinay din ang ina ni Celeste at Italian naman ang kanyang late father.

Bago sumali sa Miss Universe – Philippines si Celeste nung isang taon ay kinoronahan siyang Miss Earth Philippines in 2018 at pumasoksa Top 8 sa Miss Earth on same year.

Samantala, ang 70th Miss Universe winner (from India) na si Harnaaz Sandhu ang magpuputong ng crown sa tatanghaling 71st Miss Universe on January 14, 2023 (January 15 ng umaga sa Pilipinas) na matutunghayan sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Metro Channel at iba’t ibang digital platforms ng ABS-CBN.

carlo

Carlo umamin na tungkol sa kanila ni Charlie, Trina may cryptic messgaes

INAMIN na ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino (37) ang kanyang relasyon sa kapwa Kapamilya talent na si Charlie Dizon (26) matapos sunud-sunod na maispatan ang dalawa na magkasama sa magkaibang location. Ang dalawa ay nagkasamasa TV series na “A Soldier’s Heart” in 2020 pero ang kanilang pagiging close saisa’t iba ay nagsimula lamang nang magkasama sila sa series of shows in the US to mark Star Magic’s 30th anniversary at pagbalik ng Pilipinas ay naging extra close na ang dalawana nasundan pa ng kanilang pagsasama sa pelikulang “Love On A Budget” under Black Sheep Productions na hindi pa naipapalabas.

Although nasa estado pa lamang umano sila ng dating at getting to know each other, magkasama na ang dalawa na nagdiwang ng nakaraang Christmas holidays at New Year.

Early January 2022 nang unang mapabalita ang break-up ni Carlo sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend nasi Trina Candaza, ina ng kanilang two-year-old daughter nasi Mithi. April of last year naman kinumpirma ng actor na hiwalay na sila ni Trina pero nanatili ang kanilang pagkakaibigan dahil sa kanilang anak. Katunayan, magkasama pa ang dalawa sa 2nd birthday celebration ng kanilang anak nung September 7, 2022.

Pero nang lumabas ang mga balita tungkol kina Carlo at Charlie ay nagsimulang mag-post ng cryptic messages si Trina. May mga nagsasabing mahal pa ni Trina si Carlo. Well?

Carlo1Carlo2

Star Magic may bagong kaalyansa

SA kauna-unahang pagkakataon ay nakipag-alyansa ang Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN sa bagong tatag na Marx Productions for a three-film project featuring Star Magic talents na sina Gerald Anderson, Carlo Aquino, Barbie Imperial at ang magkasintahang RK Bagatsing at Jane Oineza.

Sa tatlong pelikula, unang ipapalabas ang tambalan nina Carlo at Barbie Imperial, ang “I Love Lizzy” na pinamahalaan ni RC de los Reyes.

Ang dalawa pang collaboration movie ay ang “The Swing” na tinampukan ng real sweethearts nasina RK at Jane habang ang pangatlo ay ang “Unravel” na pinagtambalan naman nina Gerald Anderson at Kapuso actress na si Kylie Padilla.

ABS-CBN Film Production under its umbrella has Star Cinema, Cinema One Originals, Cine Bro, Black Sheep Productions at ang Star Magic Studio (under Star Magic). Labas pa ang mga ito sa iba’t ibang TV production companies which include ABS-CBN Entertainment, Star Creatives, RCD Narratives, JRB Creative Production, RGE Drama (under RSB Scripted Format), Dreamscape Entertainment at ang online ticketing and streaming side na KTX.

Gerald

Kim, Jerald may bagong pelikula pero wala pang balak magpakasal

ALTHOUGH walang pelikulang ipinalabas nung isang taon ang real-life sweethearts na sina Kim Molina at Jerald Napoles, nakagawa sila ng isa, ang comedy movie na “Girlfriend Na Puwede Na” na pinamahalaan ni Benedict Mique under Viva Films na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ngayong January 18, 2023. Ito bale ang pambungad na pelikula ng Viva ngayong 2023.

Hindi man naging busy sa paggawa ng pelikula ang dalawa ay marami naman silang ibang pinagkaabalahan kasama na rito ang pag-put up nila ng kanilang negosyo.

Natutuwa ang magkasintahan na ang pelikula nila ang ginawang pang-buena mano ng Viva sa mga sinehan.

Ang dalawa ay huling napanood sa hit streaming movie na “Ikaw at Ako at ang Ending” na ipinalabas sa Vivamax.

Nagsimula ang pag-iibigan nina Kim at Jerald nang gawin nila ang hit musical na “Rak of Aegis” in 2014.

Although walong taon na ang relasyon ng dalawa, wala pa rin sa kanilang immediate plans ang planong magpakasal.

There was a time na nagkahiwalay ang dalawang ng halos tatlong buwan pero kapwa nila na-realize na mahal pala nila talaga ang isa’t isa kaya sila nagkabalikan.

Samantala, inamin ni Kim sa presscon ng kanilang upcoming movie na sobra umano niyang nami-miss ang teatro. Muli niya itong maisasakatuparan sa pamamagitan ng “ZsaZsa Zaturnah,” ang 2006 musical film na dinirek ni Joel Lamangan at tinampukan nina ZsaZsa Padilla, BB Gandanghari at iba pa.

Gerald1

 

Gab umaasa ng isang mas abalang 2023

MASAYA ang young actor na Gab Lagman nakasama niya sa pelikula for the first time ang magkasintahang Kim Molina at Jerald Napoles sa “Girlfriend Na Pwede Na” na showing sa mga sinehan ngayong January 18.

Huling napanood ang actor sa sexy movie na “Bula” na ipinalabas noong isang taon saVivamax.

Although sa Pilipinas siya ipinanganakbago nag-migrate sa Las Vegas, Nevada ang kanyang pamilya, it was in 2017 nang mag-desisyon si Gab na bumalik ng Pilipinas para sumubok sa showbiz.

On same year ay napasama siya sa TV series na “La Luna Sangre” gayundin sa seryeng “Halik” in 2019, “Init saMagdamag” in 2021. Kasama rin siya sa cast ng “Sid & Aya (Not A Love Story)” nina Anne Curtis at Dingdong Dantes maging sa huling pelikula ng dating magkasintahang James Reid at Nadine Lustre, ang “Never Not Love You” in 2018. He was also in the movie na “Squad Goals” at “Love the Way You Live”.

Ngayong 2023, umaasa si Gab for a busier year with more projects.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE