Default Thumbnail

Mga ilang lansangan sa Maynila isasara para sa pista ng Itim na Nazareno

January 4, 2023 Edd Reyes 226 views

NAGPALABAS ng anunsiyo ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila kaugnay sa napipintong pagsasara sa daloy ng trapiko ang ilang mga lansangan sa lungsod kaugnay sa pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno sa Lunes, Enero 9, 2023.

Sa abiso ni Atty. Princess Abante, hepe ng Manila Public Information Office (PIO), simula sa Biyernes ng alas-10 ng gabi, ang kahabaan ng Independence Road, Katigbak Drive, South Drive at magkabilang panig ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang South Drive ay isasara sa daloy ng trapiko ng hanggang Lunes ng gabi.

Mula naman sa Enero 7 hanggang Enero 9, ang mga sumusunod na lansangan ay isasara sa daloy ng trapiko simula alas-7 ng gabi.

• Quezon Blvd Northbound and Southbound (mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Quezon Bridge, diretso sa Padre Burgos Park ‘n Ride)

• España Blvd Westbound at Eastbound (mula P. Campa hanggang A. Mendoza)

• Kahabaan ng Evangelista St. (mula Plaza San Juan hanggang Recto Ave)

• Kahabaan ng Raon St. (G. Puyat) (mula Evangelista hanggang Quezon Blvd.)

• Kahabaan ng P. Paterno St. (mula Quezon Blvd. hanggang Evangelista)

• Kahabaan ng Carriedo St. (mula Rizal Ave. hanggang Plaza San Juan)

• Kahabaan ng C. Palanca St. (mula McArthur Bridge hanggang Quiapo Ilalim/Quinta Market diretso sa P. Casal)

• Kahabaan ng Bustos St. (mula Plaza Sta. Cruz hanggang Rizal Ave)

• Northbound lane ng Rizal Avenue (mula Carriedo hanggang Recto Ave)

Ang Manila Police District (MPD) sa ilalim ng pamumuno ni P/Brigadier Gen. Andre Dizon ay naglatag ng mga alternatibong daan para sa mga apektadong motorista at kabilang dito ang mga sumusunod: Lahat ng mga trak at trailer na galing Delpan Bridge ay iikot sa Anda Circle patungong Mel Lopez Blvd. to C-3 hanggang sa kanilang destinasyon.

Ang lahat ng maliliit na sasakyang magmumula sa Bonifacio Drive, gamit ang southbound lane ng Roxas Blvd. ay kakaliwa sa P. Burgos, kanan ng Ma. Orosa, kanan ng TM. Kalaw kaliwa sa MH. Del Pilar o kaliwa sa Roxas Blvd. Southbound patungo sa kanilang destinasyon.

Ang maliliit na sasakyang dadaan sa northbound lane ng Roxas Blvd. ay kakanan sa TM Kalaw, kaliwa sa Ma. Orosa kaliwa ng P. Burgos patungo sa destinasyon.

Ang mga trak at trailer na dadaan ng northbound lane ng Roxas Boulevard ay kakanan sa Quirino Avenue diretsong Plaza Dilao patungo sa destinasyon.

Lahat ng uri ng mga sasakyang magmumula sa McArthur and Jones Bridge at dadaan sa southbound lane of Roxas Blvd. mula P. Burgos ay kailangang gamitin ang Round Table, hanggang sa Ma. Orosa o sa Taft Avenue patungong destinasyon.

Lahat ng mga behikulong dadaang sa Quezon Blvd. mula A. Mendoza ay kakanan sa Fugoso St., kaliwa sa Rizal Ave. o sa Severino Reyes St. patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga sasakyang magmumula naman sa Quezon City gamit ang westbound lane ng España Blvd. ay kakaliwa sa Tomas Mapua St. (Morayta), kanan ng C.M. Recto Ave. o kaliwa sa P. Campa St., at Fugoso St. patungo sa destinasyon.

Ang magmumula naman sa P. Burgos Ave. na dadaan ng Quezon Bridge o McArthur Bridge ay dapat dumiretso sa Jones Bridge patungo sa destinasyon habang ang mga behikulo na magmumula sa Ayala Bridge at dadaan ng Palanca St. ay dapat dumiretso sa P. Casal St. patungon sa kanilang destinasyon.

Umaasa si Dizon na magiging maayos pa rin ang daloy ng trapiko sa kabila ng pagsasara ng mga lansangan kung susunod lamang ang mga motorista sa inilatag nilang alternatibong daan.

AUTHOR PROFILE