Default Thumbnail

Mga alagang aso, pusa tustado sa sunog sa Paco

November 21, 2022 Jonjon Reyes 212 views

WALANG nagawa at hindi na nakuhang mailigtas pa ng isang senior citizen ang kanyang mga alagang aso at pusa nito matapos na ma-trap sa nasusunog nilang gusali Linggo ng gabi sa Paco, Maynila.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog pasado alas 10:37 ng gabi sa isang commercial building sa kahabaan ng Angel Linao Street, cor. Pedro Gil sa Paco, Ermita Maynila.

Ang biktima ay may-ari ng gusali kabilang ang natupok na sari-sari store nito sa nasabing establisyimento na noo’y natutulog sa ikalawang palapag.

Ayon sa matanda, naalimpungatan siya nang makaamoy ng usok kaya agad na humingi ng saklolo habang pilit na lumalabas sa bintana ng gusali.

Sa tulong ng isang concerned citizen, nakalabas ang biktima at nailigtas sa nasusunog na gusali subalit nabigong mailabas ang kanyang mga alagang hayop dulot na rin ng pagkalat ng apoy.

Napag-alaman na may tatlong aso at pitong pusa ang alaga na nasunog at walang naisalbang gamit ang biktima.

Idineklara ang fire out pasado alas 10:57 ng gabi na umabot lamang sa ikalawang alarma.

Patuloy naman ang ginagawa pang imbestigasyon ng mga kagawad ng BFP kung ano ang naging sanhi ng sunog at pinsala sa ari-arian bunsod na nadamay rin ang katabing gusali ng nasunog na establisyimento.

AUTHOR PROFILE