Diokno

Merger ng Land Bank, DBP inaprubahan ni PBBM—Diokno

March 28, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 225 views

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang merger ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP).

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno ang Land Bank ang magiging surviving entity.

Kapag nangyari ito ang Land Bank na ang magiging pinakamalaking bangko sa bansa kung batay sa assets.

Sa kasalukuyan ang Banco De Oro (BDO) ang pinakamalaking bangko sa bansa na umaabot sa P3.73 trilyon ang assets.

Pumangalawa ang Land Bank na may P2.76 trilyon at pang-walo naman ang DBP na may P1.035 trilyong asset.

Ang merger ng Land Bank at DBP ay nauna ng inaprubahan ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III noong 2016. Hindi naman ito itinuloy sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Land Bank ay nakatuon sa pagpapa-utang sa sektor ng agrikultura samantalang ang DBP ay sa industrial projects.

Kapag natuloy ang merger makakatipid umano ang bangko ng P5 bilyon sa operating cost kada taon.

AUTHOR PROFILE