Lito Lapid

Mensahe para sa Araw ng mga Ama; seniors malaki ang kontribusyon sa PH

June 16, 2024 People's Tonight 109 views

SA ating kasabihan, “Ang ama ang haligi ng tahanan.”

Ang ama na kumikilala sa kaniyang katungkulan ay nag- iingat sa kaniyang sambahayan. Hindi niya pinababayaang magutom, masaktan o magkulang sa anumang kanilang pangangailangan.

Sinasakripisyo niya ang kaniyang kapakanan para sa kaniyang asawa at mga anak na handa niya ibigay kahit ang kaniyang buhay para sa kanila.

Ito’y ginagawa niya hindi lamang dahil sa tawag ng tungkulin kundi dahil sa sinserong pagmamahal at pagmamalasakit sa kanyang pamilya.

Happy Fathers’ Day po sa lahat po ng ating mga ama!

Maraming salamat po sa inyong pag-ibig at sakripisyo.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Sa paghahain ng Senate Bill No. 1201, o ang Homes for Abandoned Seniors Act (HASA), kinilala po ng inyong lingkod ang malaking kontribusyon ng ating mga senior citizen sa paglago at pag-unlad ng bansa.

Ang ating panukalang batas ay naglalayong gawing institusyonal ang mga programa at serbisyo sa residential care. Tulad ng komportableng tahanan, sapat na pagkain at mga damit, medikal na konsultasyon o paggamot, at iba pa para sa mga kwalipikadong benepisyaryo na hindi kayang alagaan ang kanilang sarili.

Sa naturang panukalang batas, hindi tulad ng mga kanlurang lipunan, kilala ang mga Pilipino sa kanilang taus-pusong paggalang, pagmamahal at pag-aaruga sa mga nakatatanda.

At hindi lamang itinuturing ang pag-aalaga sa kanila bilang isang obligasyon kundi bilang tanda ng pasasalamat at pagmamahal.

#litolapid #senadorlitolapid #BidaNgMasa

AUTHOR PROFILE