Default Thumbnail

Bagong grad nagdiwang sa ilog sa Negros Occ., nalunod

June 24, 2024 Zaida I. Delos Reyes 159 views

PATAY ang bagong graduate na estudyante matapos na malunod habang nagkakasiyahan sa Malogo river nitong Biyernes sa Banilad 3, Barangay Nanca, E.B. Magalona, Negros Occidental.

Nakilala ang biktima na si Renz Llorente, 24, at residente ng Barangay IV, Silay City.

Ayon kay Police Captain Markelly Laganipa, deputy chief ng E.B. Magalona Municipal Police, nagkayayaang mag-swimming ang biktima at kanyang mga kaibigan sa ilog para ipagdiwang ang kanyang pagtatapos.

Gayunman, habang nagsu-swimming ay biglang bumuhos ang makalas na ulan at tinangay biktima sa malalim na parte ng ilog at nalunod.

Nadala pa ang biktima sa pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Napag-alaman na naganap ang trahedya, dalawang araw makaraang magtapos ang biktima sa kursong Bachelor of Science in Office Administration sa Silay Institute Incorporated.