Tolentino

Mga senador: Magkaisa; suportahan AFP, PCG

June 24, 2024 PS Jun M. Sarmiento 217 views

NAGKAKAISA ang mga senador sa paghimok sa mga Pilipino na dapat magkaisa tayong lahat upang suportahan ang ating Sandatahang Lakas at ang Philippine Coast Guard sa ginagawa nitong pagprotekta sa ating Soberenya sa gitna ng kinakaharap nating pagsubok sa West Phil Sea.

Umapela si Senate Majority Leader Francis Tolentino sa kapwa Pilipino na bigyan ng suporta ang ating sandatahan sa gitna ng mga pambubully na kinakaharap ng ating bansa laban mapang api na China Coast Guard sa mga tropang Pinoy sa West Phil Sea.

Para kay Tolentino, ito ang panahon para maghawak bisig at magkaisa ang lahat upang ipakita na solido ang ating suporta sa ating kasundaluhan sa gitna ng mga pagsubok na ating kinakaharap sa kasalukuyan.

Si Tolentino na siyang may akda ng Senate Bill No. 2492 o mas kilala bilang Phil. Maritime Zones Act, ay humihiling na panindigan ng bansa ang ating karapatan sa ating maritime zones na siyang magbibigay benepisyo sa ating mga Pilipino na malinaw aniyang nakalagay sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), na pinagtibay sa ilalim ng desisyon ng 2016 Hague arbitral ruling na pabor sa Pilipinas.

“Some say that the WPS is not a gut issue, and the conflict is happening too far away from Mindanao to be part of your daily concerns. That is not true,” ani Tolentino kung saan ay hiningi rin nito na magkaisa ang taumbayan upang suportahan ang ipakita ang ating pagkakapit bisig bilang suporta sa ating kasundaluhan , mga mangingisda na nagbubuwis na kanilang buhay para ipagtanggol ang soberenya ng ating bansa.

“The WPS involves our very core as Filipinos and it should unite all of us, whether we are from Luzon, Visayas, or Mindinao. It is an issue that should bind our archipelago. It concerns all of our and the youth and even future generations of Filipinos,” paliwanag ni Tolentino.

Matinding galit ang nararamdaman ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada dahil sa patuloy na pagpapakita ng pambabastos at pang aabuso ng China Coast Guard na para sa kanya ay direktang pang aapi sa ating bansa at direktang pang aagoy sa ating soberenya na aniya labag sa international law at sa batas ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ang pagpapakita ng tapang at hinahon ng mga sundalong Pilipino, ani Estrada ay kapuri puri at hindi matatawaran kung saan ay sinabi nitong dapat maipagmalaki sila ng bawat Pilipino sa ipinakitang propersyunalismo ng mga ito sa kabila ng kabastusan at pang aabuso ng CCG.

“I urge the international community to come together in denouncing this imprudent behavior and to lend their support to our plea for justice and accountability,” panawagan din ni Estrada

Ayon naman kay Sen Joseph Victor “JV” Ejercito dapat aniyang patuloy na kondenahin ang ganitong gawain ng CCG upang ipakita at iparinig sa international community na ang ganitong uri pagmamalabis at barbarikong pagpapakita ng pwersa ay hindi makatao, hindi makatarungan at lalong hindi dapat bigyan puwang.

Ang nasabing pagmamalabis, ani Ejercito ay magdudulot ng matinding banta hindi lamang sa Pilipinas aniya kundi sa lahat ng bansa na gumagamit sa territorial water na inaangkin ng Tsina at dinadaan ang lahat aniya sa dahas at pagmamalabis.

“They destabilize the region, jeopardize the safety of the citizens, and undermine the country’s sovereign rights.” ani Ejercito kung saan ay nanawagan siyang dapat tayuan natin at bigyan ng moral suporta ang ating kasundaluhan at patuloy na ipagtanggol ang ating bandila laban sa aniya mga manlulupig.

“They are bullies who refused to honor the international maritime laws, including the UNCLOS, disregarding the Philippines’ victory in the 2016 Arbitral Award, and failing to respect the freedom of navigation in the region,” giit ni Ejercito na umapela rin sa international commmunity na suportahan ang bansa dahil ito ay taktika lamang ng China dahil nais ng mga itong maghasik ng lagim at magtanim ng takot upang ipakita lamang ang kanilang kapangyarihan sa buong rehiyon.

Para kay Sen Risa Hontiveros, ang aksyon ng China at ng CCG sa Ayungin Shoal ay dapat kondenahin ng buong mundo.

Hiningi rin ni HOntiveros sa kapwa Pilipino na nagmamahal sa bansa na bigyan ng suporta ang ating Phil Navy na hindi naduwag sa CCG bagkus ay nagpamalas ng hinahon ang mga ito at nagpakita ng propersyonalismo sa kanilang trabaho.

“As a Filipino and as a Senator, I share the hurt and pain of the Philippine Navy over our wounded personnel. China severely violated not only international law, but our human rights. This is unacceptable. Violence should not be committed on our seas.” ani Hontiveros.

“We must push for the de-militarization of the West Philippine Sea. I call on Government to put politics and diplomacy back at the captain’s wheel with Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, fisherfolk, and civilian actions.” dagdag pa ni Hontiveros.

Sinabi naman ni Sen Grace Poe , na ang ganitong pagmamalabi ng China at pagpapakita ng kanilang kagaspangan sa ating territoryo na nagdulot ng pagkasira sa ating mga kagamitan at nakapanakit pa aniya ang mga ito ay isang ebidensiya na hindi nito alam ang salitang paggalang at respeto na dapat pinaiiral ng isang sibilisadong nasyon.