Default Thumbnail

McCoy at Elisse lumantad na, Coco at Julia susunod na?

November 4, 2021 Joey Aquino 232 views

MccoyHINDI na bago sa mga artista na itago ang pagbubuntis hanggang sa manganak ang mga ito.

Kapamilya actress Elisse Joson is the latest addition on this list following her big reveal on Pinoy Big Brother Season 10, recently. Together with her partner McCoy de Leon, they introduced their love child to the public. Kapwa ex-PBB housemates ang dalawa. Nabuo ang relasyon nila sa loob ng Bahay ni Kuya. Kaya idinahilan nila na marapat na sa PBB rin nila ipakilala ang kanilang daughter na si Felize. Kaugnay nito ang pagkuha nila kay Big Brother na maging ninong ng kanilang anak. Biro ng mga netizen, makikilala na raw si Big Brother ‘pag dumalo sa araw ng binyag.

Marami ang nagulat sa revelation na ito dahil matagumpay nilang naitago ito. Sa totoo lang, wala man lang akong narinig o nabalitaan hinggil sa kanyang pagbubuntis. Matatandaan na naghiwalay ang dalawa at nagkabalikan uli. Hindi naman kasi sila visible at major stars kaya hindi sila mainit na napapag-usapan.

Iba naman ang kaso ng mga superstar na sa bawat kilos ay minamatyagan at binibigyan ng interpretasyon. Gaya na lamang sa kaso nina Coco Martin at Julia Montes. Lahat na lang nagawan na ng kuwento tungkol sa diumano’y relasyon ng dalawa sa totoong buhay. Ngunit hanggang ngayon hindi pa rin nila inaamin kung ano ang tunay nilang relasyon. Marami rin ang nagbalita hinggil sa umano’y pagkakaroon na nila ng anak. Pero hanggang ngayon, kapwa tikom pa rin ang kanilang bibig hinggil dito. Undeniably, their relationship is still a big puzzlement. For now, they enjoy their reel relationship thru the longtime series Ang Probinsiyano.

Will their reel relationship turn into real romance? Or is this just part of the master plan for their own big reveal? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811.

AUTHOR PROFILE