Default Thumbnail

Mayor Honey, VM Yul Servo nanguna sa ‘Nilad Sa Maynila’ tree planting

September 27, 2022 Edd Reyes 242 views

PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto ang magkasabay na pagsasagawa ng pagtatanim ng halamang Nilad kaugnay sa proyektong “Nilad Sa Maynila” sa Manila Zoo at Intramuros, Martes ng umaga.

Ang naturang aktibidad, ayon kay Kayle Niole Amurao, Officer-in-Charge (OIC) ng Department of Public Service (DPS) ay naglalayong muling maibalik ang naglalahong populasyon ng halamang Nilad, kung saan nalikha ang pangalan ng Lungsod ng Maynila, na aniya ay dating namumutiktik sa dami sa baybaying dagat ng Manila Bay.

Sa kanyang pagsasalita, sinabi ni Amurao na ang “Nilad Sa Maynila” ay unang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila noong Disyembre 29, 2020 sa Baseco Compound matapos pumasok sa isang kasunduan ang lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng kanilang tanggapan, sa Department of Environment and Natural Resources-Ecosystems Research and Development Bureau (DENR-ERDB) para sa pagpaparami ng tanim na noon ay dinaluhan din ng alkalde na dating bise pa ni dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Kasabay ng ginawang pagtatanim na pinangunahan ni Mayor Honey Lacuna sa compound ng Manila Zoo, nanguna naman si Vice Mayor Yul Servo Nieto sa pagtatanim din ng halamang Nilad sa Asean Garden sa Intramuros.

AUTHOR PROFILE