Default Thumbnail

Siklista tumilapon matapos masagi ng SUV

September 26, 2022 Jonjon Reyes 203 views

HALOS hindi na gumagalaw ang isang 23-anyos na binatang nagbibisikleta na inakalang patay na, makaraang masagi ng isang sports utility vehicle (SUV) sa eastbound lane of Ramon Magsaysay Boulevard sa panulukan ng V. Mapa Street, Sta. Mesa, Maynila.

Tumamo ng sugat sa katawan ang siklista nang isugod sa Our Lady of Lourdes Hospital.

Isinailalim naman sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang driver ng Lexus SUV.

Base sa ulat ni P/Cpl. Jhon Ceazar Ancheta ng MDTEU, naganap ang insidente bandang 8:10 ng umaga sa nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon, binabagtas ng dalawa ang lugar nang aksidenteng masagi ang bisikletang minamaneho ng biktima.

Sa lakas ng impact tumilapon sa kalsada at bumagsak ang biktima sa kanyang bisikleta.

Dahil dito kasong reckless imprudence resulting to serious physical injury at damage to property ang kinahaharap ng suspek.

AUTHOR PROFILE