Maymay balik-Pinas na matapos mag-stay sa Canada kasama ang BF

June 9, 2022 Aster Amoyo 300 views

BUMALIK ng Pilipinas ang 25-year-old ex-Pinoy Big Brother: Lucky Seven Big Winner-turned singer-actress, host, model and celebrity endorser na si Maymay Entrata galing sa ilang buwang pananatili sa Canada kung saan naka-base ang kanyang Canadian boyfriend na si Aaron Haskell. Nag-aral din siya ng acting doon sa loob ng isang semester. Itinaon niya ang kanyang pagbabalik sa Big Night ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” kung saan si Anji Salvacion ang tinanghal na Big Winner. Agad ding bumalik si Maymay sa “ASAP Natin `To”.

It was last Valentine’s Day nang unang i-post ni Maymay sa kanyang Instagram account ang picture na kasama niya ang kanyang Valentino, ang non-showbiz na si Aaron.

Since nasa Pilipinas si Maymay at nasa Canada naman si Aaron, constant ang video call ng dalawa.

Except sa pangalan, wala pang ibang detalyeng ibinabahagi ang singer-actress-host kung paano sila nagkakilala ng nobyo at kung ano ang back-ground nito.

Samantala, kahit may kasintahan na si Maymay ay nananatili pa rin silang magkaibigan ng (dating) ka-loveteam na si Edward Barber.

Kim

Kim Soo-hyun nasa Pilipinas

NAGBUBUNYI ngayon ang fans ng 34-year-old South Korean Actor na si Kim Soo-hyun na nasa bansa ngayon for a fan meet na magaganap sa araw na ito ng June 10 (Friday) sa Mall of Asia Arena na may kinalaman sa kanyang pagiging celebrity endorser ng kilala local clothing brand na Bench.

Si Kim, considered as one the highest paid celebrities in South Korea ay dumating last Wednesday evening, June 8 ng 10 p.m. sa Ninoy Aquino International Airport 1. Huli siyang napanood sa TV series na “One Ordinary Man” in 2021. Ang iba pa niyang mga popular TV series include “It’s Okay Not To Be Okay” in 2020, “Dream High,” “Moon Embracing the Sun,” “My Love from the Star,” “The Producers” at iba pa. He was also in the movies “The Thieves” and “Secretly, Greatly”.

Aiai

Ai Ai permanente na sa US matapos ideklarang persona non grata sa QC?

IS Ai-Ai de las Alas and husband Gerald Sibayan staying in the US for good?

Ito ang katanungan matapos ideklarang persona non grata ng Quezon City ang komedyante. While isa nang green card holder si Ai-Ai at puwede nang mag-reside permanently sa Amerika, Gerald has yet to have his own green card.

Ang mag-asawa ay umalis nung May 29, 2021 patungong Los Angeles, California kung saan naroon ang isa sa kanyang tatlong anak na si Sean Nicolo.

Bumalik lamang si Ai-Ai ng Pilipinas last February para gawin ang kanyang bagong TV series sa GMA, ang “Raising Mamay” pero pagkatapos ng lock-in taping ay bumalik siya ng Amerika. She now resides in San Francisco, California with her husband.

Although wala pang sinasabi ang singer-comedienne kung mananatili na silang mag-asawa sa Amerika for good, bukas pa rin umano siya sa mga proyekto sa Pilipinas.

Ang dalawa pang anak ni Ai-Ai na sina Sancho at Sophia Adrea ay pareho nang engaged sa kanilang respective partners in Manila.

Ang actor na si Sancho ang panganay na anak ni Ai-Ai sa dating theater actor na si Rey Malte-Cruz (na sumakabilang-buhay nung August 2015) habang sina Sean Nicolo at Sophia Andrea ay mga anak ng singer, actress-comedienne sa ex-husband, ang L.A.-based singer-actor na si Miguel Vera.

Kit

Kit pinatawad na ni Ana

HANGGANG ngayon ay tahimik pa rin ang 25-year-old Filipino-New Zealander ex-PBB: Teen Edition housemate-turned actor na si Kit Thompson matapos itong masangkot sa isang matinding kontrobersiya involving him and his (ex) girlfriend, ang sexy actress na si Ana Jalandoni sa isang hotel in Tagaytay City nung nakaraang Marso.

Matapos ma-detain ng ilang araw sa isang police station in Tagaytay, nakapag-post ng bail ang actor for his temporary release pero may kinakaharap itong dalawang kaso.

Ang nakakalungkot, nawala siya sa cast ng dalawa niyang proyekto. Una sa local adaptation ng Korean drama series na “Flower of Evil” na pinangungunahan nina Piolo Pascual at Lovi Poe na malapit nang mapanood sa ere. Siya’y pinalitan sa serye ni JC de Vera. Nawala rin siya sa digital series na “Ang Babae sa Likod ng Face Mask” bilang leading man ni Herlene `Hipon’ Budol at si Marco Joseph naman ang humalili sa kanya.

Si Kit ay nasa pangangalaga ng Cornerstone Entertainment.

Samantala, nakapag-move on na ang dating kasintahan ni Kit na si Ana. And part of her healing process ay pinatawad na rin niya ang ex-boyfriend.

Since forgiving din ang mga Pinoy, pasasaan ba’t makakabalik din ang actor in time?

Wedding

Glaiza at David pakakasal uli sa Pilipinas

ALTHOUGH kasal na sa Ireland ang Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro sa kanyang Irish businessman husband na si David Rainey nung October 2021, isang church wedding ang inaasahang magaganap sa Pilipinas hopefully within the year.

Kung hindi nakadalo ang family ni Glaiza sa wedding nina Glaiza at David sa Ireland nung isang taon, ang pamilya naman ni David ang darating ng Pilipinas for their church wedding.

Nagpapasalamat si Glaiza sa pagiging supportive ng kanyang husband sa kanyang singing and acting career. Hindi ito nagi-impose na sa Ireland sila manirahan. Sa halip, gumagawa na ng paraan si David na makapag-set-up ng business nilang mag-asawa sa Baler, Quezon kung saan merong naipundar na beach house ang Kapuso actress.

Nagustuhan ni David ang Baler matapos itong ma-lock-down doon ng ilang buwan nung kasagsagan ng Covid-19. Marami rin itong naging kaibigan na mga locals doon at natutunan niya pamamalengke sa nasabing lugar.

Puring-puri ni Glaiza ang kanyang Irish husband sa pagiging mabait at supportive nito at pag-aadjust din nito sa kulturang Pinoy.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE