Angela

Paghuhubad nina Angela at Wilbert, ikinagulat ng mga kaklase

June 9, 2022 Ian F. Fariñas 445 views

CONSERVATIVE ang description ni Angela Morena sa kanyang sarili kaya naman pati classmates niya sa college, nagulat daw sa kanyang pagpapa-sexy sa pelikula.

Sa presscon ng bago niyang project, High On Sex, na napapanood na sa Vivamax, sinabi ng third year Marketing student ng St. Nicolas College sa San Fernando, Pampanga, na, “Nagulat sila, but before entering this industry, itong sexy genre, I was ready.

“Ready ako sa negative comments, any opinions, positive or negative. I’m sure, maraming judgments. Marami akong naririnig, hindi directly sa akin, lalo na sa school ko. Very conservative ’yung school ko.

“’Yung classmates ko, nagulat sila na nagpapaseksi ako kasi kilala nila ako na very conservative na tao. Tapos, nakikita nila sa screen na ganito ako.

“Pero hindi natin kontrolado ang utak ng mga tao and, of course, ’yung mindset ko, they don’t put food on my table so I don’t care to those bashers, if ever meron man.”

Dedma nga si Angela sa mga nega dahil talagang pangarap daw niya na sundan ang mga yapak ng tita niyang si Lara Morena sa pag-aartista.

Relate sa sitwasyon ni Angela ang isa sa High On Sex co-stars niyang si Wilbert Ross, na graduating naman sa kursong Finance sa Golden State College of General Santos City.

Ani Wilbert, gaya ng classmates ni Angela, nabigla rin ang mga kaklase niya dahil sa kanyang paghuhubad sa mga pelikula.

Kwento niya, “At first, medyo nabigla sila kasi hindi nila ini-expect sa akin na makakaya kong gawin ’yung mga bagay na ’yun. And then, habang tumatagal na ginagawa ko ’yung art na mahal ko, mismong sila ang natutuwa para sa akin.

“Napapansin nila na other than the sexy parts, ‘Uy, ang galing mo sa project na ’yun.’ So, ’yun ang mas importante sa akin.

“Itong pagpapaseksi, para sa role lang naman namin. Kumbaga, ginagawa lang namin ’yung trabaho namin. As long as ginagawa namin ’yung trabaho namin nang maayos at maganda (walang problema).” Coming-of-age series ang original Vivamax series na High On Sex, kung saan kasama sa cast nina Wilbert at Angela sina Denise Esteban, Mig Almendras, Kat Dovey, Rob Guinto, Marco Gomez, Micaella Raz, Andrea Garcia, Juami Gutierrez, Katya Santos, Sheree Bautista at Mark Carpio.

Sa ilalim ng direksyon ni GB Sampedro, napapanood na ang High On Sex via streaming sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE