Martyr or Murderer

‘Martyr or Murderer’ malagpasan kaya ang ‘Maid in Malacanang’?

February 28, 2023 Aster Amoyo 1057 views

MATUTUNGHAYAN na sa 300 theaters nationwide (and soon, worldwide) ang controversial movie na “Martyr or Murderer” mula sa panulat at direksyon ng equally controversial writer-director na si Darryl Yap at hango sa kuwento ni Sen. Imee Marcos na may kinalaman sa pamilya Marcos nung nabubuhay pa ang kanyang ama, ang yumaong dating President Ferdinand Marcos bago at pagkatapos ng EDSA People Power Revolution. Ang nasabing pelikula ay magsisilbing sequel sa worldwide hit movie na “Maid In Malacanang” na sinulat at dinirek din ni Direk Darryl under Viva Films which was shown last year.

Tulad ng “Maid in Malacanang,” isa na namang magarbo at engrandeng red carpet premiere night ang ginawa ng Viva Films para sa sequel movie na “Martyr or Murderer” na muling tinampukan ng original stars and cast ng MAM na sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo at iba pa na nadagdagan ng iba pang cast members na sina Isko Moreno (in his acting comeback bid), Marco Gumabao, Jerome Ponce, Cindy Miranda at iba pa.

Ang bonggang Moroccan red carpet premiere ay ginanap sa Cinemas 1-2-3 ng The Block ng SM North EDSA.

The movie hits 300 theaters nationwide starting today, March 1 kasunod ng world premiere ng pelikula sa iba’t ibang bansa.

Kung ang “Maid in Malacanang” ay tumabo sa takilya ng mahigit P750-M, inaasahan na papantayan o di kaya lalagpasan ng “Martyr or Murderer” ang MAM.

As early as now ay inihahanda na rin ni Direk Darryl, ng Viva Films at ni Sen. Imee Marcos (kung kanino hango ang kuwento ng MAM at MOM) ang ikatlong sequel ng pelikula.

AUTHOR PROFILE