Ganti

Mark Anthony, todo bold sa ‘Ganti-Ganti’

December 8, 2023 Ian F. Fariñas 416 views

BALIK-VIVAMAX si Mark Anthony Fernandez sa isang mapangahas na papel sa pelikulang Ganti-Ganti, na isa na namang kolaborasyon sa pagitan nina Direk Mac Alejandre at National Artist Ricky Lee.

Sa katatapos ng mediacon ng pelikula, sinabi ng direktor na bold kung bold ang ginawa ni Mark Anthony sa movie.

Kwento ni Direk Mac, sex ang pangunahing premise nito at paghihiganti, hindi lamang ng iisang tao, kundi ng maraming karakter sa movie.

“Plot twist after plot twist after plot twist. At ang sentro ng plot twist ay ang sex. It was meant to be that way from the very start,” paliwanag niya.

Nang tanungin kung how bold is bold, sagot ni Direk Mac, “Para siyang Selina’s Gold, parang Silip sa Apoy, ‘yung ganu’ng standard.”

Mabait na artista umano si Mark kaya hindi naging problema sa kanya ang mga requirement ng role bilang maangas na asawa ni Angeli Khang sa pelikula.

“Never. Absolutely never a problem, with Mark? With Angeli, wala, wala,” dugtong pa niya.

If at all, puring-puri ni Direk Mac buong ang cast na kinabibilangan din nina Yen Durano at Sean de Guzman.

Palabas na ang Ganti-Ganti via streaming sa Vivamax simula Dec. 1.

AUTHOR PROFILE