John

John, kitang-kita kay Matteo si Penduko

December 8, 2023 Ian F. Fariñas 138 views

KILIG si Matteo Guidicelli sa compliment na ibinigay sa kanya ng Venice International filmfest Volpi Cup best actor awardee at Penduko co-star na si John Arcilla sa set ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Viva Films.

Sa isang maikling video na ipinost online, makikita ang paglilibot ni Matteo sa shooting ng Penduko habang naghihintay sila ng take ni John.

Kinumusta niya ang aktor na gumaganap bilang tatay niya at ipinakita kung gaano kasaya ang set.

Tapos, nag-dialogue si John ng, “Parang ano ‘to, eh, nagkaroon kasi ako before ng mga eksena, nag-guest ako sa Pedro Penduko kaya sobrang… sa TV pa siya, kay Matt Evans, and then nu’ng makita kita, bagay na bagay sa ‘yo si Pedro Penduko.”

Sinagot siya ni Matteo ng “maraming salamat.”

Muling diin ni John, “Yeah, kitang-kita ko sa ‘yo ‘yung Pedro Penduko.”

Nakangiti namang buwelta ni Matteo, “Sir John is the best here, alright!”

Bukod kina Matteo at John, nasa cast din ng Penduko sina Kylie Verzosa, Arron Villaflor, Andrea Babierra, Phoebe Walker, Mark Anthony Fernandez,

Albert Martinez, JC Tiuseco, atbp.

Mula ito sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana at palabas na sa mga sinehan sa Dec. 25.

AUTHOR PROFILE