Malu

Malu: ‘Gusto ko pang mabuhay para sa mga anak ko’

December 8, 2023 Aster Amoyo 268 views

Malu2Malu1DUMARAAN ngayon sa matinding pagsubok ang mahusay na veteran singer at actress na si Malu Barry after she was diagnosed last March na nasa stage 3 na ang kanyang cervical cancer. Kailangan niyang dumaan sa gamutan kasama na rito ang chemotherapy, radiation at brackytherapy, isang proseso kung saan may ipapasok na radioactive material sa loob ng katawan na sa iba ay kinu-consider itong internal radiation. Apat na beses itong gagawin sa kanya simula ngayong December 11. Sa lahat ng procedure ay ang huli umano ang pinakamahal kaya humihingi na siya ng tulong pinansyal sa mga kaibgan sa industriya. Aypon kay Malu, depleted na umano siya dahil sa tuluy-tuloy na gamutan ng kanyang sakit.

Maganda ang katayuan noon ni Malu when she was at the peak of her career pero ang naipundar niyang mansion in Antipolo ay naibenta niya dahil sa namayapa niyang eldest son na si Charles Louie na aksidenteng nabundol ng isang sasakyan habang ito’y naglalakad in Cebu kung saan ito nagbabakasyon nung 2010. He was comatose for 8 months sa isang pagamutan in Cebu bago binawian ng buhay. Sa Maynila naka-base si Malu at ang kanyang mga anak maging ang kanyang trabaho kaya ginawa umano niyang Quiapo at Cubao ang Cebu at Manila.

Since kailangan ng malaking halaga para sa gastusin ng anak ay napilitan siyang ibenta ang kanyang malaking bahay in Antipolo.

“He was my eldest son na nag-iwan ng isang anak na carbon copy niya,” kuwento pa ni Malu.

“Parang pinalitan siya ng apo ko who is now 18 years old,” pagbabahagi pa ng singer-actress.

“Pinakamahirap sa akin ang magpalibing ng anak,” pag-amin niya.

“I also lost my parents pero mas matindi ang pain kapag anak mo na ang mawala,” aniya.

But life goes on with Malu lalupa’t may limang anak pang umaasa sa kanya which she singlehandedly raised. She also lost another son when she was six months pregnant with him na kung ito’y nabuhay ay 22 years old na sana ito ngayon. Sa ngayon, she has four elder daughters at 16 years old naman ang kanyang bunsong si King na kasalukuyan pang nag-aaral.

Malu was only three years old nang magkahiwalay ang kanyang parents at silang apat na magkakapatid (three girls and one boy) ay naiwan sa kanilang ama and their paternal grandmother.

At age 14 ay kumakanta na umano siya sa lounge ng Apo View Hotel in Davao at ang kanyang ama ang kanyang kasa-kasama and was already earning P500 a night na malaking halaga na umano during that time, 1980.

In 1983, sumama siya sa isang kaibigan na anak ng isang general in Camp Crame patungong Maynila. She was already pregnant noon sa kanyang panganay na anak. Sa tulong ng kanyang mga kaibigan, nairaos niya ang kanyang pagbubuntis hanggang isilang niya ang kanyang anak. Since kumikita na siya noon, iniiwan niya ang kanyang anak sa yaya nito at sa kanyang pinsan. At that time ay kumakanta na siya sa Calesa Bar ng old Hyatt Regency Hotel along Roxas Blvd. in Pasay City.

When she was already performing at Spindle (kung saan dati nagtatanghal at na-discover si Rico J. Puno), dito dumating ang offer ng kanyang pag-aartista at ang first movie niya ay ang “Kislap sa Dilim” kung saan tampok na mga bituin sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino , Gabby Concepcion at Charito Solis. Ito ang last movie ni Lino Brocka bago ito sumakabilang-buhay.

Ayon sa kuwento ni Malu, kagagaling lamang umano ni Direk Lino and his group manood sa kanyang show sa Spindle at pauwi na nang ito’y maaksidente along East Avenue in Quezon City na siyang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ang buong akala ni Malu ay first and last movie na niya ang “Kislap sa Dilim” pero ito’y nasundan pa ng 11 pang movies.

“Hinding-hindi ko kailanman makakalimutan si Direk Lino,” pahayag ni Malu.

Si Christopher de Leon ang nagdirek ng natitira pang limang shooting days ng pelikula na hindi natapos ni Direk Lino.

Gusto na sanang mag-retiro ni Malu sa Samal Island ng Davao nang magkaroon naman ng problema ang kanyang ipinatayong bahay doon kaya iniwan niya ito at bumalik ng Maynila.

Last late year ay nagsimula siyang mag-bleeding na ang buong akala niya ay bahagi lamang ng kanyang menopausal stage kaya hindi niya ito pinansin. Pero nitong nakaraang March ay muli itong naulit at may buo-buong dugo nang kasama kaya napilitan na siyang magpatingin ng doctor at dito na na-discover na meron siyang stage 3 cervical cancer.

Parang gumuho ang mundo ang pakiramdam ni Malu at ito’y agaran niyang ipinaalam sa kanyang mga anak, mga kapatid at malalapit na kaibigan. Pero sa halip na malungkot ay trinato niyang parang lagnat lamang ang kanyang sakit at naging positibo ang kanyang naging pananaw sa buhay.

“Nagsu-show pa rin ako hanggang ngayon kung may dumarating na offer,” aniya.

“Marami na rin akong tinanggal sa katawan ko tulad ng pag-inom paninigarilyo at pagpupuyat. Bawal din sa akin ang ma-stress,” aniya.

“Marami ring bawal na pagkain pati gulay, milk at spicy food,” dugtong pa niya.

“Kailangan kong maging matatag for my children,” deklara pa niya.

Nakikiusap sa diyos si Malu na sana’y malagpasan niya ang pinakabagong pagsubok na dumating sa kanyang buhay.

“Gusto ko pang mabuhay nang matagal for my children at sa mga apo ko,” diin niya.

Kapatid ni Donny ikinasal sa isang Lhuillier

MaricelMaricel1Maricel2Maricel3Maricel4Maricel5IKINASAL na ang panganay na anak ng mag-asawang Maricel Laxa at Anthony Pangilinan at nakatatandang kapatid ng matinee idol na si Donny Pangilinan na si Ella Pangilinan sa kanyang fiancé, ang young businessman na si Enrique Lhuillier Miranda, kapatid ng partner ng actress na si Sofia Andres na si Daniel Lhuillier Miranda na kilalang race car driver.

The Filipiniana-themed wedding ay ginanap sa Puerta Real Gardens in Intramuros nung nakaraang Miyerkules, December 6, 2023, thirty years after Ella’s parents’ wedding nung December 19, 1993.

Ella wore her mom’s 30-year-old wedding gown which was created by the late National Artist na si Jose `Pitoy’ Moreno and was re-worked by fashion designer na si Rajo Laurel na kaklase and good friend ng ina ni Ella na si Maricel Laxa. Ang nakakatuwa, magkahulma ang katawan noon ni Maricel at ng kanyang anak na si Ella na nag-aral ng fashion design in Florence, Italy.

Bibihira sa mag-ina ang nagpapasahan ng wedding gown dahil bukod sa size, magkaiba ang kanilang style nung panahon ng kanilang ina at sa present time pero ginawa itong posible ng mag-inang Maricel and Ella.

Sina Ella at Enrique ay nagkakilala sa isang event where they were both introduced by a common friend, ang publicist na si Ferdi Salvador na parehong malapit sa pamilya Pangilinan at Miranda.

The first two years ng kanilang relasyon ay mahirap sa magkasintahan as they have to carry a long distance relationship dahil sa pag-aaral noon ni Ella sa Italy at si Enrique naman ay nag-aaral ng business management sa Sydney, Australia. Pero hindi naging sagabal ang distance sa magkasintahan until in December 2022 when the couple got engaged. A year later ay ginanap ang kanilang wedding ceremony in the presence of their respective families and close friends.

Si Ella ay panganay sa limang anak ng mag-asawang Anthony Pangilinan at Maricel Laxa. Ang apat pa niyang nakababatang kapatid ay sina Donna, Hannah, Benjamin at Solana. Si Enrique naman ay anak ng mag-asawang Martin Miranda (dating karter, motocross rider and drag racer) at negosyanteng si Angelique Lhuillier ng Cebu. Siya ang nakakatandang kapatid ni Daniel Miranda, ang longtime partner ng aktres na si Sofia Andres with whom he has a four-year-old daughter na si Zoe.

Sina Enrique at Daniel ay mga apo ni Phillipe Lhuillier, isang diplomat, businessman at philanthropist at founder ng major pawnshop chain sa Pilipinas, ang Cebuana Lhuillier.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE