Maris Larawan mula sa IG/@mariesteller

Maris Racal napagkamalang may ‘junjun’

January 28, 2024 People's Tonight 175 views

DINOGSHOW ng netizens ang aktres na si Maris Racal matapos mayroon silang mapansin sa larawang in-upload nito.

Sa Instagram page ng ‘Can’t Buy Me Love’ actress, ibinahagi niya ang dalawang larawan kung saan sa todo-awra siya sa kanyang mga pose. Sa isa ngang larawan ay naka-side view siya.

“It’s been a long time, feed. i was obsessing over my broadcast channel i forgot about u,” sey niya sa caption ng kanyang post.

Napansin ng isang netizen na may nakausli sa bandang beywang ni Maris at napagkamalan itong ari ng lalaki.

“Haba ng etits mo sa first pic, Ernalyn,” komento ng netizen sa nasabing post.

Nilinaw naman ng aktres na hindi iyon “junjun.”

“KAMAY KO YUN,” sagot ni Maris sa netizen.

Good vibes ang naging hatid nito sa social media followers ng ‘Can’t Buy Me Love’ actress kaya inulan siya ng katatawanan sa comment section.

Matatandaang ilang beses nang naging mabenta si Maris sa social media, kamakailan nga lang ay nilaro ng netizens ang mga larawan ng aktres na tila may isinusulat sa isang planner.

Naging viral nga sa social media platform na X (dating Twitter) ang nasabing mga memes kaya’t ibinahagi ni Maris ang kanyang mga naging paborito sa kanyang Instagram page.

AUTHOR PROFILE