Xyriel

Xyriel: ‘Wag kayo plastik, minsan hopia rin tayo sa surprises

January 28, 2024 People's Tonight 106 views

KILIG na kilig ngayon ang netizens lalong-lalo na ang aktres na si Xyriel Manabat, matapos ito sorpresahin ng kanyang nobyo sa kaarawan nito.

Sa kanyang Instagram post, Enero 27, naikuwento ni Xyriel na minsan na niyang naitanong sa sarili kung kailan din siya ma-sorpresa ng bongga.

Aniya, “Most of the time I’m the party or surprise organizer. I plan and watch my family/friends/loved ones enjoy their day. Witnessing others make arrangements or preparations for the person they love had me feeling quite emotional and envious at some point.”

“I will caught myself asking when is my turn? don’t get me wrong my parents always make sure and give hundred percent effort to give me a birthday I deserve. but sometimes WAG KAYO PLASTIC minsan umaasa or hopia tayo na may ibang gagawa satin bukod sa pamilya natin ng mga ganyang paganap-ganap na surprises,” dagdag pa niya.

Pinasalamatan naman ng aktres ang kanyang jowa dahil sobrang pinasaya umanon siya nito at hindi rin niya inakalang may ganito pala itong sweetness.

Aniya, “With that, I would want to express super duper appreciation to this special person who made this effort. Coming from someone na never ko ini-expect na may ganitong side pala, a best friend of mine na nakilala kong torpe or nakokornihan sa mga gantong gimik wala bumigay at pina-experience sa akin ang matagal ko nang iniiyakan at wini-wish na klase ng salubong.”

“Love thank you for making sure you give your very best para magkaroon ako ng ganitong birthday! Thanks for giving me the best teenage life na babaunin ko palagi,” dagdag pa niya.

AUTHOR PROFILE