Aria Larawan mula sa IG/@ariabnch_

Aria nagsuot ng pampagana

January 28, 2024 People's Tonight 122 views

PINAAGA ng Vivamax actress na si Aria Bench ang tag-init nang ibandera niya ang kanyang bikini body.

Sa isang Instagram post ng sexy star, binulabog niya ang mga anak ni Adan nang sumirit ang kanyang sex appeal.

Todo ginanahan ang mga kelot sa mga larawan ni Aria habang todo-awrang nakasakay sa isang bangka suot-suot ang kanyang blue two-piece swimsuit.

“Do not disturb,” sey niya sa caption ng kanyang post.

Hindi naman nagpahuli ang mga barako sa comment section at nagwawalang gustong isama si Aria sa paraiso ng kanilang pantasya.

Hindi lang araw ang pinatirik ng Vivamax actress sa bagbabandera niya ng kanyang alindog, pati na ang mata ng mga anak ni Adan na tinakasan ng pagiging kalmado sa kanyang comment section. Agad nilang pinusuan at binaha ng fire emojis ang nasabing post.

Nakilala si Aria sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Punit na Langit (2023) at Pantaxa Laiya (2023).

AUTHOR PROFILE