Jelai Larawan mula sa IG/@jelaiandresofficial

Jelai: Badass babe, reyna ng ‘luwa’

January 28, 2024 People's Tonight 133 views

HINDI kinalmahan ng vlogger-actress na si Jelai Andres ang pagbabandera ng kanyang kaseksihan.

Sa isang Instagram post ng social media star, lumuwa ang hinog niyang mga melon na agad namang pinagkaguluhan ng mga barakong pinagpapantasyahan itong saluhin.

Balot na balot man ang mukha ni Jelai ng balaclava o ski mask, siya namang kinulang ng balot ang kanyang seksing katawan dahilan para sumirit ang kanyang sex appeal.

Suot-suot ng vlogger-actress ang isang cropped bra short sleeve t-shirt habang black panty naman sa pang-ibaba. Angat na angat ang kurba ni Jelai sa nasabing kasuotan.

Tulo-laway ang mga kelot sa pa-body goals ng social media star.

“She’s a little sass and a lot of badass,” sey niya sa caption ng kanyang post.

Inulan ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang pagbabalandra ni Jelai ng kanyang katawan. Tila naloka sila at pinukol ng fire at heart emojis ang nasabing post.

“Ang hot grabe.”

“Walang kakalma.”

“Body goals!”

“Dapat talaga di na lang ako nag open ng IG, ito na naman bubungad. Grabeee mi loves pano ba ang ganyang katawan?”

“Ginalingan mo nanaman bebe.”

“Grabe ka na mima.”

AUTHOR PROFILE