Mariel

Mariel, maraming kahati sa pera ni Robin

May 22, 2023 Vinia Vivar 267 views

Inamin ni Mariel Rodriguez na sa simula ng relasyon nila ni Robin Padilla ay ginusto rin naman niyang makasal sa simbahan since she’s a Catholic pero hindi raw talaga ito pwede dahil nga Muslim ang kanyang mister.

“We wanted to, we want to (have a church wedding), but ‘yung church kasi, gustong mag-convert siya and I will not ask that of him,” sabi ni Mariel sa vlog ni Bea Alonzo kung saan ay sumalang ang TV host sa lie detector test.

And of course, hindi rin naman daw siya hinilingan ni Robin na magpa-convert sa Muslim.

Matatandaang tatlong beses nang ikinasal sina Robin at Mariel noong 2010.

Ang una ay Muslim wedding sa India, pangalawa ay sa isang Christian rites at pangatlo ay sa isang Igorot ceremony.

Ngayon ay may dalawa na silang anak, sina Gabriela and Isabella

Napag-usapan din ang usapin ng pera at ayon kay Mariel, ang pera ni Robin ay pera ng lahat.

“In my head, dapat, his money is my money, tapos my money is my money. In my head, ganu’n, ‘di ba? Kaya lang, his money is everybody’s money, eh,” sey ni Mariel.

Kaya siyempre, she has to make her own money dahil marami siyang ka-share sa pera ni Binoe.

“Kasi magastos ako. Aminado naman ako,” aniya.

Mahilig daw siyang mag-shopping talaga at bumili ng mga mamahaling bag, etcetera. Kabaligtaran naman ni Robin na walang kaluho-luho sa katawan.

“Si Robin, ang t-shirt niyan, ‘yung binigay sa kanya ng Kawasaki,” tsika ni Mariel.

Pati raw ang cologne nito ay mga bigay lang din ng ibang tao.

“Pero ‘yung to buy, hindi siya bibili. Pero it works for us,” dagdag niya.

At kahit politician’s wife na siya ngayon, hindi naman daw dapat magbago ang lifestyle niya dahil sariling pera naman niya ang kanyang ipinangbibili.

“Excuse me! Ang sobra kong sipag para sabihin n’yo sa akin na ‘wag akong mag-shopping, ha! At saka bago pa siya mag-senador, nagsa-shopping na po ako,” sey ni Mariel.

AUTHOR PROFILE