Sheryl proud sa anak na summa cum laude

May 22, 2023 Aster Amoyo 225 views

PROUD and happy mommy si Sheryl Cruz para sa kanyang unica hija na si Ashley na magtatapos na summa cum laude in Psychology sa San Francisco State University ngayong buwan.

Sa Instagram, nag-post ang aktres ng larawan mula sa video call nila ng kaniyang anak, na tinawag niyang best mother’s day gift sa kaniya.

Inihayag ni Sheryl na “so proud and blessed” siya na nagkaroon ng anak tulad ni Ashley.

“Sa araw ng birthday niya, doon siya pararangalan so I’m very excited for her and I’m very proud of her because efforts niya lahat ito. Kalahati lang ako na nagbigay ng share sa kung ano man ang meron siya ngayon and kalahati no’n sa family naman ng tatay niya (ex-husband Norman Bustos). So I’m very proud of her and very grateful kasi kahit na malayo kami sa isa’t isa, hindi nasayang yung effort,” saad ni Sheryl.

Noong nakaraang Enero, masaya ring ibinahagi ni Sheryl ang natanggap na sulat ni Ashley mula sa Associate Dean ng unibersidad na binabati ang kanyang anak sa pagkakasama sa Dean’s List.

Alaga ni Bamboo wagi ng P1M

BambooTINANGHAL na winner ng season 5 ng The Voice Kids ang 12-year-old na taga-Santa Rosa, Laguna, si Shane Bernabe na galing sa Kamp Kawayan ni Bamboo Manalac.

Bernabe bested Rai Fernandez from Martin Nievera’s team, and Xai Martinez from KZ Tandingan’s team sa naganap na finale ng The Voice Kids noong nakaraang Sunday.

As the new winner, napanalunan ni Bernabe ang P1million in cash and a recording contract with UMG Philippines.

For the finale, inawit ni Bernabe ang song na “Sino Ang Baliw” na ikinatuwa ng kanyang coach na si Bamboo.

“Grabe lang talaga. Ang paborito ko sa performance mo, yung mawawala ka lang. Nasa mata mo eh, you’re a ready performer. You’re already a champion. You did it. You owned it. Speechless si coach,” sey pa ni Bamboo na second time nang may nanalo mula sa kanyang team.

Si Bamboo rin ang sole mentor na nagbalik sa The Voice Kids. Kasama niya noon bilang original coaches ng naturang competition sina Lea Salonga at Sarah Geronimo.

Richard sinorpresa ng pamilya habang nasa taping

RichardIN character ang Kapuso actor na si Richard Yap sa taping ng “Abot Kamay Na Pangarap” nang sorpresahin siya para sa kaniyang 56th birthday.

Sa video na ipinost sa Instragram, pinangunahan ng kanyang asawa na si Melody at mga anak na sina Ashley at Dylan, ang ginawang sorpresa sa aktor.

Kasama rin ang cast at crew ng hit afternoon series, kung saan gumaganap si Richard bilang si Dr. Roberto “RJ” Tanyag, na naka-recover na mula sa pagkaka-comatose.

Sa video, madidinig na nagbibigay ng instruction para sa simula ng taping kaya in character na si Richard habang nakaupo sa wheelchair sa loob ng isang kuwarto.

At nang isigaw na ang “action!”, hindi ang kaeksena sa serye ang pumasok sa kuwarto kung hindi ang kaniyang misis at mga anak na may bitbit na cake at inawitan na si Richard ng birthday song.

“Richard Yap thought it was another working birthday for him but this one was extra-special because his family paid him a surprise visit on the set of the GMA Afternoon Prime series #AbotKamayNaPangarap! Happy Birthday again, Richard!,” caption pa sa IG account ng Sparkle.

AUTHOR PROFILE