Kathryn

Kathryn nominee sa Seoul Drama Awards

May 23, 2023 Aster Amoyo 284 views

IN-ANNOUNCE noong Lunes ang pagkakasama ni Kathryn Bernardo bilang isa sa nominees as Outstanding Asian Star sa 2023 Seoul International Drama Awards (SDA).

Mga co-nominee ni Kathryn ay mga celebrity mula sa mga bansang South Korea, China, Thailand, Japan, and Taiwan.

Puwedeng iboto ng kanilang fans ang kanilang favorites via the voting app Idolchamp starting June 15.

The 18th edition of Seoul Drama International Awards will be held on September 21, with live broadcast on Korea’s KBS2TV.

“Winners selected by the vote will also be invited to the ceremony to share the joy of winning the award with the general public,” ayon pa grupo ng SDA.

Last year, si Belle Mariano ang tumanggap ng Outstanding Asian Star from SDA.

Founded in 2006, the SDA is said to be the only international drama festival in South Korea that puts the spotlight on drama trends across the globe.

Isa sa pinaka-busy na aktres ngayon si Kathryn dahil tatlo ang pelikulang gagawin niya. Una ay ang “A Very Good Girl” with Dolly de Leon, directed by Petersen Vargas; pangalawa ay ang “Elena 1944” directed by Olivia Lamasan; at pangatlo ay untitled film with Daniel Padilla, under the direction of Cathy Garcia-Molina.

Maris at Barbie game magsama sa isang movie project

MarisGAME na mag-collab sa isang film project ang dalawang drama princess ng showbiz na sina Maris Racal and Barbie Forteza.

Dahil na rin sa kanilang mga fans na nag-suggest na magsama sila sa isang pelikula, nagpakita naman ng interes sina Maris at Barbie kahit na homegrown stars sila ng magkaibang TV network.

“Sobrang game if ever,” tweet ni Maris. Tweet naman ni Barbie ay “Game!”

Uso na kasi ngayon ang crossover projects ng Kapamilya and Kapuso artists, tulad sa naging landmark collaboration of ABS-CBN and GMA-7, sa series na “Unbreak My Heart” na bida sina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Richard Yap and Gabbi Garcia.

Nakilala si Racal, dahil sa pagsali nito sa “Pinoy Big Brother,” at bukod sa acting, malawak din ang reach ng kanyang music career.

Si Barbie ay nagsimula bilang child actress sa GMA teleserye na “Stairway To Heaven” at sa teen series na “Reel Love Presents Tween Hearts” hanggang sa maging isa na siyang bonafide leading lady na siya ng Kapuso network.

Maey kakaiba ang role sa ‘Unbreak My Heart’

KABILANG ang Kapuso comedian-actress na si Maey Bautista sa cast ng pinaka-inaabangang teleserye at historical collaboration project ng GMA at ABS-CBN na “Unbreak My Heart”.

Pagbabahagi ni Maey tungkol sa kanyang role, “Ako po ay ang pinakamatalik na kaibigan ni Rose, na gagampanan ni Jodi Sta. Maria. Ang role ko po rito ay ako talaga ‘yung palaging sinasabihan ni Rose ng lahat ng mga hinaing niya sa buhay. Especially, ‘yung magiging problema niya sa kanyang anak.”

Ayon pa kay Maey, kakaiba ang kanyang role sa naturang palabas at masayang-masaya siya dahil nakasama siya sa cast ng napakalaking proyektong ito.

Bukod pa kay Maey, mapapanood din bilang parte ng supporting cast sina Will Ashley, Bianca De Vera, Laurice Guillen, Nikki Valdez, Eula Valdes, Victor Neri, Romnick Sarmenta, at marami pang iba.

Ang “Unbreak My Heart” ay pagbibidahan naman nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.

Magsisimulang mapanood ang serye sa darating na May 29, 2023. Ipalalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay 11:25 p.m.

Para naman sa advance streaming, maaari itong mapanood sa May 27, 2023, 9:00 p.m. sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.

AUTHOR PROFILE