Mariel

Mariel, bet ituloy ang pagiging single mom

January 8, 2022 Vinia Vivar 165 views

Single mom ang drama ni Mariel Rodriguez nitong nakaraang Holiday season dahil nga wala ang kanyang mister na si Robin Padilla.

Sa latest vlog ni Mariel ay ibinahagi niya ang kaganapan noong New Year’s Eve na wala ang kanyang asawa.

Matatandaang noong nakaraang Pasko ay nag-post siya na hindi rin nakauwi si Binoe dahil nga namamahagi ito ng tulong sa mga tao.

“Ang wish ko lang talaga, buo ‘yung pamilya and hindi mangyayari dahil nagkaroon ng bagyo. Dahil sa bagyo, si Robin is out there. Na-shock nga ako kasi nagpakamatay akong nagbenta ng steak tapos ‘yung asawa ko namimigay ng mga milyones! Hahaha,” sabi ni Mariel sa kanyang Christmas vlog.

Sa New Year vlog niya ay ganu’n pa rin ang senaryo.

“As you guys know that we weren’t able to spend Christmas together. Umuwi siya ng (Dec) 29, umalis din siya ng 30.”

Ipinaliwanag naman daw sa kanya ng asawa na ang mga pangangailangan ng tao ay hindi dapat paghintayin na porke’t Holidays ay palilipasin muna ang pamimigay ng tulong.

“So, siya rin, I’m sure, gustung-gusto niya talaga to be here on New Year’s Eve,” aniya.

Nauna na ring ipinaliwanag ni Mariel sa Christmas vlog na hindi raw dahil sa tumatakbong Senador ang asawa kaya namimigay ng tulong kungdi ganu’n na raw ito noon pa.

“Namimigay siya kasi ganu’n siya talaga hindi dahil he’s running for the Senate or anything kasi ganu’n siya talaga kahit dati pa,” aniya.

Pagkatapos ng putukan ay nakausap naman ni Mariel si Robin via video call.

“Kami ngayon ay LDR, long distance relationship,” sey ni Mariel.

Natawa naman si Binoe at aniya, “OFW ako, eh.”

Sabi pa ni Mariel, “Heto, hindi pa nakakauwi may next schedule na, Palawan naman daw, sabi ko itutuluy-tuloy ko na ang pagiging single mom ko.”

Tawa lang nang tawa si Binoe.

Kinabukasan, January 1, sobrang saya naman ni Mariel na paggising niya ay nasa bahay na si Binoe,

“Today is 2022, the very first day and guess what, nandito si sir (Robin) umabot siya sandali just for January 1!” masayang wika ni Marie.

Makikita sa video na masayang nakikipaglaro si Robin sa mga anak na labis din siyang na-miss.

IPINAHIYA!

Naganap na ang kinatatakutang mangyari ni Rica (Charlie Dizon) matapos siyang pahiyain ni Raven (Kaila Estrada) sa buong Balai Arkitektura at sabihin ang tungkol sa kanyang viral video nitong Miyerkules sa Viral Scandal na nag-top sa hot list ng WeTV iflix.

Pinaratangan ni Raven si Rica na isa itong sinungaling matapos daw ipakalat na rapist ang kanyang pinsan na si Jigs (Markus Patterson).

Hindi naman nanahimik si Rica at ipinaglaban niyang totoong na-rape siya ng lalaki ngunit nang makita ang mukha ng kanyang mga katrabaho ay natakot siya at pinili na lang takbuhan ang mga ito.

Dahil sa nangyari, nahimatay si Rica nang makarating sa kanilang bahay habang ipinaliliwanag kay Kakay (Dimples Romana) ang nangyari.

Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ni Kyle (Joshua Garcia) ang dalaga kay Raven.

Sinabi niyang walang karapatan ito na pahiyain ang babae. Inutusan niya itong umalis sa Balai Arkitektura.

Samantala, huwag naman palampasin ang pagrelease ng original song nina Karina Bautista at Aljon Mendoza Kulit ng Pag-ibig sa lahat ng streaming platforms ngayong Enero sa produksyon ng Star Music.

Napapanood ang Viral Scandal gabi-gabi, 9:20, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC at WeTV iflix.

AUTHOR PROFILE