Marian

Marian, wish makilala si Gal Gadot sa Miss U

December 4, 2021 Ian F. Fariñas 216 views

GadotTOTOO ba ’yan?”

Ito ang naging reaksyon ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera nang malaman na iniimbita siya ng Miss Universe organization para mag-judge sa 70th edition ng prestihiyosong beauty pageant na gaganapin sa Eilat, Israel sa December 12 (December 13 sa ’Pinas).

Sa isang online interview kahapon, sinabi ni Marian na at the same time ay kinilig siya sa karangalang i-represent ang bansa sa Miss U bilang isa nga sa mga hurado.

“Parang, ‘wow!’ Sabi ko nga, just in case gawin ko ’yan, napakalaking karangalan para sa akin. Walang dahilan para hindi ko siya tanggapin. Nakakataba ng puso. Parang ‘talaga ba?’” banggit pa niya.

Gaya ng ibang fans worldwide na umaasang a-attend ito sa pageant, sobrang wish ni Marian na makita at makilala nang personal ang Hollywood actress na si Gal Gadot.

Si Gadot ay isang Israeli actress/model na naging Miss Israel nu’ng 2004.

Itinuturing siyang “biggest Israeli superstar” na isa sa 100 most influential people in the world ng Time magazine (2018) at dalawang beses nang napasali sa listahan ng highest-paid actresses sa buong mundo.

Ilan sa kanyang sikat na Hollywood movies ay ang Fast & Furious (2009), Wonder Woman (2017), Wonder Woman 1984 (2020) at ang hit Netflix action-comedy na Red Notice kasama sina Dwayne “The Rock” Johnson at Ryan Reynolds (2021).

Ani Marian, “Sana ma-meet ko siya! Gusto ko talagang makilala at makita si Gal Gadot. Sana mabigyan ako ng chance.”

Mga isang linggo ring mawawala si Marian.

December 6 ang alis niya patungong Israel at sa dami ng activities habang naroon, malamang daw na walo o siyam na maleta ng gowns at cocktail dresses ang bitbit niya.

Pulos local designers ang may gawa ng wardrobe ni Marian sa Miss U. Halimbawa na, gown ni Francis Libiran ang susuotin niya sa coronation night.

Confident si Marian na kahit mawalay ng ilang araw sa mga anak na sina Zia at Sixto, eh, balang araw, maiintindihan ng mga ito kung gaano kahalaga ang naging pag-alis niya.

Sa isang banda, ang mister naman niyang si Dingdong Dantes ay sobrang supportive sa pagdya-judge niya sa Miss U.

Kaya naman kahit may mangilan-ngilang bashers na kumukuwestiyon sa pagkakapili sa kanya, eh, dedma na lang ang aktres.

Sabi nga niya, nasa alapaap siya ngayon kaya wala siyang oras para pansinin pa ang pamba-bash ng iba.

Isa pa, tanggap niya na kahit anong gawin, hindi niya mapi-please ang lahat ng tao.

“Siguro aaminin ko, ha, na kasi para sa akin, minsan lang siguro mabigyan ng pagkakataon ang isang tao na mabigyan ng ganitong kahalagang gagampanan mo sa isang Miss U na kung saan ay napakahalagang okasyon na magsasama-sama ang lahat na, alam mo ’yon? Para sa akin kasi isang malaking karangalan ito. At siyempre, bukod doon, aaminin ko na hindi naman talaga English ang first language ko, kundi Pilipino. At kinuha nila ako hindi lang siguro doon, kinuha nila ako para sa aking body of work bilang isang Pilipina.

“Basta ang masasabi ko lang, kilala n’yo naman ako, hindi naman ako mapagpanggap, hindi ba? So ’yun, i-express ko lang ang sarili ko nang naaayon sa nararamdaman ko sa araw na ’yan.”

Ang sigurado raw ay looking forward na si Marian na makilala at makita ang lahat ng mga kandidata.

Pagdating sa Cebuanang representative ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez, feeling ng aktres ay wala siya sa posisyon para magbigay ng payo rito.

Katwiran niya, “Wala akong karapatan na magsabi ng kahit na ano sa kanya at wala ako sa posisyon dahil hindi ko alam kung ano ’yung pinagdadaanan at nararamdaman niya, pero naniniwala ako at sana ibigay talaga niya ang best niya at ipagdadasal natin talaga siya.”

AUTHOR PROFILE