Marian

Marian, Miss Universe ng buhay ni Dingdong

December 4, 2021 Ian F. Fariñas 274 views

DingdongSUPER proud hubby ang peg ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa latest achievement ng misis niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na lilipad pa-Israel sa December 6 para mag-judge sa 70th edition ng Miss Universe pageant.

Sa Instagram post ng aktor kahapon, in-upload niya ang isa sa mga kuha ni Marian para sa Miss U pictorial sabay lagay ng lyrics mula sa signature song ng Pinoy group na Hotdog na Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko: “Sabi nga ng bandang Hotdog, ‘malinaw na malinaw, ngayon at ano mang araw, ikaw ang Miss Universe ng buhay ko.’ Naaaks!

“Always proud of you, @marianrivera!”

Sagot naman ng aktres sa comment section, “Awwww umuwi kana! Sobrang miss na kitaaaa” na binuweltahan ni Dong ng, “@marianrivera see you soon.”

Kasalukuyang nasa lock-in taping si Dong para sa bagong mini-seryeng Alternate kasama ang bagong Kapuso na si Beauty Gonzalez.

AUTHOR PROFILE