Toni

Toni, bet sumanib kay Angelina Jolie

December 4, 2021 Ian F. Fariñas 242 views

ISA ang reunion project ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, ang The Exorsis, sa Metro Manila Film Festival entries na nagsimula nang mag-promote sa pamamagitan ng isang virtual media conference.

Dahil kuwento ang nasabing horror-comedy ng isang misteryosang ispiritu (Leng-Leng) na sasanib sa karakter ni Alex na si Dani, natanong si Toni kung kanino niya gustong sumanib sakaling siya ang nasa katayuan ni Leng-Leng.

Ang walang kagatul-gatol na sagot ng singer-actress ay kay Angelina Jolie.

Rason niya, gandang-ganda siya sa sikat na Hollywood actress kaya gusto raw niyang maramdaman man lang ang pakiramdam ng babaing kasing ganda ng ex ni Brad Pitt.

“Gusto kong tingnan kung paano maging siya (Angelina), kasi gandang-ganda ako sa kanya,” dagdag niya.

Nagbiro pa si Toni na matapos sumanib sa katauhan ni Angelina, susubukan niyang kausapin si Brad para makipagbalikan dito.

Anyway, kasama rin nina Toni at Alex sa The Exorsis ang paborito nilang komedyana na si Melai Cantiveros na “suki” nga raw sa mga proyekto nila.

Ito ay sa ilalim ng direksyon ng kaibigan din ng magkapatid na si Fifth Solomon.

Co-produced ang The Exorsis ng Viva Films at TinCan Film Production at mapapanood na sa Pasko, December 25, bilang official entry sa 47th Metro Manila Film Festival.

AUTHOR PROFILE