Small

Marco, bet makapareha ni Small

January 9, 2023 Ian F. Fariñas 342 views

SAKALING pasukin ng socialite, entrepreneur, top celebrity vlogger at “Eat Girl” na si Small Laude ang larangan ng pag-arte, isa lang ang bet niyang makapareha at ito ay ang Viva Artists Agency talent na si Marco Gumabao.

‘Yan ang ibinahagi ni Small sa launching niya bilang endorser ng bagong pomelo juice drink na Power Helo at Merixin kahapon.

Si Small ay nasa ilalim ngayon ng pangangalaga ni Jojie Dingcong, ang manager na ilang sikat na artista gaya nina Derek Ramsay, Pops Fernandez, atbp.

Napa-‘Oh, my gosh!’ ang sikat na YouTube personality sabay sabing, “Wala akong maisip. I like this Marc Gumabao… Marco Gumabao,” sabay tawa na tipong kinikilig.

Nang hiritan pa ng names, aniya, “Yeah, I like Marc Nelson. Paulo Avelino, yes, slight. Pero cute siya!”

Reaksyon tuloy ng press, mahilig pala siya sa mga seksing lalaki na sinagot naman ni Small ng tumataginting na “Yes! Marco Gumabao. Hahaha!”

So far, masaya at enjoy daw si Small sa pagiging active at kilalang vlogger niya ngayon na milyun-milyon ang subscribers dito sa ‘Pinas at sa ibang bansa.

Sa edad umano niya na “golden” na, blessing nang maituturing na ganito pa rin siya ka-active sa pagtatrabaho.

Kung noong una ay hesitant ang pamilya niya, sa pangunguna ng “Babe” niyang si Philip Laude at ang kanilang apat na anak, sa kanyang pagba-vlog, ngayon daw ay mas kumportable na ang mga ito sa kanyang new-found career.

“He’s happy for me, for my success,” sabi ni Small patungkol kay Phil at ganundin sa kanilang mga anak.

“Before they always stop me from doing this,” tsika pa niya.

Ang buong pamilya ni Small, pati na ang kapatid na si Alice Eduardo at ang kanilang Daddeh, mas palagay na raw sa mga kamera.

“Okay na sila sa camera. Mas comfortable na sila sa camera,” dagdag kwento niya.

Malaki rin ang pasasalamat niya na may mga produktong tulad ng Power Melo at Merixin ng Corbridge Group Philippines na nagtiwala sa kakayanan niya bilang endorser.

Ani Small, “I always love Pomelo ever since I was a child. I know it’s good for our health kaya nu’ng na-discover ko ang Power Melo, I told my husband, we should definitely try this.”

Dagdag pa nya, ang Power Melo ang kumukumpleto sa hapagkainan nila.

“It’s so easy to prepare plus nutritious at masarap pa! So, so good!”

Ito rin daw ang naging dahilan kung bakit nya inendorso at inirerekomenda ang produkto.

Ang Power Melo ay may taglay na maraming benepisyo sa kalusugan tulad ng mga anti-aging property at antioxidant na pumuprotekta sa katawan laban sa mapaminsalang free radicals.

Mayaman din ito sa Vitamin C para sa mas malakas na resistensya, potassium, protein at fiber.

Isa rin sa bagong health discoveries ni Small ang Merixin Turmeric, isang dietary supplement at juice drink naman na may Golden Spice Curcuma Turmeric na may taglay na scientifically-proven health benefits.

Aniya, “I love turmeric! Super healthy! I always include it in my curry recipe! Little did I know, pwede pala itong itake as capsule. Plus, pwede rin itong juice na pwedeng inumin anytime, anywhere. Thanks to Merixin, I’m more energetic, vibrant, fit and healthy.”

Nirekomenda nya rin ito sa kanyang mga follower at kaibigan dahil nagbibigay ito ng maraming benepisyong pangkalusugan.

Ibinahagi ni German Panghulan, president at general manager ng Corbridge Group Phils, Inc., ang inspirasyon sa likod ng Merixin.

“We are always inspired by nature or anything natural. When we learned the golden wonders of Turmeric, we immediately grabbed the opportunity. We thought: what is the best and most convenient way to deliver the health benefits of Turmeric to the Filipinos. That’s where the idea of transforming Turmeric into dietary supplements and powdered juice,” sabi nya.

Dahil sa layunin ng Corbridge na tulungan ang mga Pilipino na bumuo ng malusog na pamumuhay, pinalawak pa nila ang kanilang produkto, mula sa isang dietary supplements, naghandog din sila ng powdered juice.

“Pomelo is a powerful fruit. It contains a lot of surprising health benefits so we thought how can we bring this to the table of Filipino consumers in the most convenient way? That’s where it all started,” dugtong ni Mr. Panghulan. “We take advantage on what grows on trees.”

Ang Power Melo ay available na sa Mercury Drugstores nationwide habang ang Merixin ay mabibili sa Mercury Drugstore, Metro Gaisano, at Watsons nationwide.

AUTHOR PROFILE