Erwin Makikita sa larawan sina Speaker Martin G. Romualdez (2nd R), DSWD Secretary Erwin Tulfo (2nd L), DSWD Undersecretary for Operations Jerico L. Javier (L), DSWD Undersecretary for Legislative Affairs Niña Taduran (3rd L) at Cong. Tupaz ng 6th District ng Iloilo (R).

Maraming salamat Speaker Martin G. Romualdez!

August 17, 2022 Erwin Tulfo 127 views

TulfoMARAMING salamat Speaker Martin G. Romualdez sa mga papuri at magagandang salita na binitawan nyo nang ang inyong abang lingkod ay nagbigay pugay sa inyo o nag-courtesy sa inyong opisina sa House of Representatives nitong Miyerkules.

Hindi po kayo bibiguin ng inyong abang Kalihin sa Department of Social Welfare and Development na tugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan sa pinakamabilis na paraan at sa pamamagitan ng responsableng pamamahala.

Isang gintong pangako po iyan mula sa isang abang ginoo patungo sa isang ginoong sinasaluduhan ng lahat dahil sa inyong mga prinsipyo. Gentlemen’s agreement, ika nga.

Isa lang po ako Speaker Romualdez sa tumitingala sa inyo mula sa gobyerno at private sector.

Mahal na Speaker, saludo po ang inyong lingkod pati na ang buong DSWD dahil sa inyong busilak na puso para sa bayan at mga mamamayan.

You always get things done. At ito ay dahil sa inyong malasakit sa lahat ng Pilipino ano man ang antas ng kanilang buhay.

Nagpapasalamat rin po ako Honorable Speaker sa inyong mainit na pagsalubong sa inyong lingkod pati na sa aking mga masisipag na Undersecrecretary for Legislative Affairs Niña Taduran at Undersecretary for Operations Jerico L. Javier.

Ang inyong suporta, Speaker Romualdez, ay lalo pang mag-uudyok sa DSWD na bigyan ng mabilis, tapat at totoong serbisyo ang ating kapwa Pilipino.

Katulad ninyo ay naniniwala po ang inyong lingkod na hindi dapat magsayang ng oras lalo na’t ayuda — partikular na ang medical at financial — ang pinag-uusapan.

Ito ang dahilan kung kaya’t pinaikli na ng inyong Kalihim at ng DSWD ang pagbibigay ng ayuda sa mga kapos-palad mula tatlong araw sa isang araw na lamang.

Maraming salamat rin sa suporta at mainit na pagtanggap nina Tingog Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Iloilo Rep. Raul “Boboy” Tupas, Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez at Alona Party-list Rep. Anna Marie Villaraza-Suarez.

Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal at mabuhay po kayo!

AUTHOR PROFILE