Andeng

Malasakit sa kapwa

November 28, 2021 People's Tonight 101 views

Kinumusta ni Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares (naka-puti) ang halos 300 indibidwal na naapektuhan ng sunog sa Barangay San Isidro kamakailan. Inalam ni Mayora Ynares ang kanilang kondisyon at pangangailangan. Inanunsyo rin ni Mayora Andeng na aayusin agad ng lokal na pamahalaan ng Antipolo City ang Emergency Shelter Assistance para sa bawat pamilya. Maglalaan din ng tulong pinansyal at mga pang araw-araw na mga basic na kagamitan.

Sa kanyang pagbisita ay nagdala rin si Mayora Andeng ng Mobile Water Purifier pati ang Mobile Shower. Hinanapan na rin ng LGU ng pansamantalang trabaho ang mga ito para tuloy-tuloy ang kanilang pagbangon. Sa ngayon ay nakikipagkoordina na rin na tinatawag ng LGU ang may-ari ng lupa para maibenta sa kanila ang lupa at matulungan ang mga apektadong pamilya.

AUTHOR PROFILE